After i-unfollow si Kyline… KOBE: WISH I NEVER MET YOU
- BULGAR
- 5 minutes ago
- 3 min read
ni Julie Bonifacio @Winner | Apr. 24, 2025
Photo: Kobe Paras - IG
Ayan na nga ang sinasabi namin, umpisa na ng tirahan ng magkarelasyong Kyline Alcantara at Kobe Paras pagkatapos mabalitang break na sila.
Kumalat sa social media ang post ni Kobe sa kanyang Instagram Story na may picture ng isang portion ng isang resort or bahay na may swimming pool.
Kadikit nito ang title ng kanta ni Tony Lanez na may pamagat na Wish I Never Met You.
Siyempre pa, nag-wan-plus-wan na agad ang mga netizens na may patama ang IG post ni Kobe kay Kyline.
Nai-post daw ito ni Kobe pagkatapos niyang i-unfollow si Kyline.
What’s new, ‘di ba? Mag-a-unfollow sa ex pagkatapos buburahin lahat ng mga photos nila na magkasama, na nangyari nga nu’ng sinilip namin ang mga IG accounts nina Kobe at Kyline.
Anyway, narito ang reaction ng mga netizens sa IG Story ni Kobe na agad ding nawala.
“Sakit”
“Wish she had never met you in the first place!! Ugh. Ba't ka pa dumating sa buhay niya? She was doing so well before you! Ginulo mo lang buhay niya.”
“Hindi ganyan si Kobe sa ibang exes n’ya. Ba’t kaya? Girl, parang ikaw yata may problema. Mga exes mo, itinatakwil ka. Baket?”
“Same with Mavy, pero si Mavy, tahimik lang kahit i-bash na mama’s boy.”
“Obviously, si girl ang may problem.”
“Wow, harsh mo kuya. Kahit sabihin mo na hindi ‘yan parinig, sino maniniwala sa iyo? Napaka-clingy mo nga kay Ky, eh, tapos bigla-bigla, ganu’n na lang?”
So, there.
Proud na ipinakita sa video… ANAK NI LEA, HABAMBUHAY NANG MAGTUTUROK PARA MAGING LALAKI
Ibinahagi ng nag-iisang anak ni international award-winning singer-actress Lea Salonga na si Nicole ‘Nic’ Chen ang kanyang journey sa pagiging transgender man sa Instagram (IG) recently.
Ipinost ni Nic ang video ng pag-i-inject niya ng testosterone sa kanyang tiyan. At habang ginagawa ni Nic ang video ay makikita sa kanyang likuran si Lea na nanonood ng TV. There was even a part sa video na binanggit at tiningnan ni Nic si Lea.
Panimula ni Nic sa video, “Recording me at least once, just for the heck of it.”
Binanggit ni Nic na hinugasan na raw niya ng alcohol ang kanyang mga kamay at ipinakita ang tatlong sanitized needles na gagamitin niya at ang syringe. Sinanitize na rin daw niya ‘yung bottle ng testosterone.
Pagpapatuloy niya, “So, you’d probably be thinking, ‘Nic, why the heck did you go for the injection kind when there are other options?’
“Well, I definitely would have gone to other options too but uhm, it doesn’t work as fast and they’re not exactly like, they are not uhm, very convenient. Like you have to do it, the other option was like you have to do that every day. And I would have to, yeah, sanitize, basically it’s just kinda would be super inconvenient. So, injection it is,” pagkibit-balikat ni Nic.
Dagdag pa niya, “That was like, you can do super inconvenient things that don’t work as well, or you can just give yourself a shot every week and I was like you know, choose to do that.”
Sa caption ay sinabi ni Nic na napagdesisyunan niya na i-video ang sarili habang nagte-testosterone.
Caption ni Nic, “(PART 1) Decided to record me doing my testosterone shot! Hope you guys... enjoy??? idk, Don’t watch if you don’t like needles! ...or testosterone
“Ignore my mom LMAO (laughing my ass off) she’s chilling.”
Nakalagay sa comment section na pang-anim na turok na raw niya 'yung napanood sa video. At sa susunod ay mas maliit na karayom na raw ang kanyang gagamitin.
May mga netizens na nagtanong kay Nic at nag-reply naman ang anak ni Lea.
Tanong ng netizen, “Hi, Nic. First of all, God bless you with your journey! A. If you don’t mind me asking – just curious: will taking T not going to change or affect your voice? Because right now, you are also into theater performance so I just thought about that.”
Reply ni Nic, “It will change my voice, but not in a bad way! My voice will get lower. Basically everything that happens to men during puberty, will happen to me. Nothing crazy.”
May nagtanong din kung allowed daw sa stomach area siya mag-inject.
“I was given the option to do my thigh or my stomach. I chose the stomach because it would be less painful as my thighs have more muscle.”
Sinagot din niya ang tanong kung once a month lang ang shot niya ng testosterone. Every week daw, kailangan siyang mag-inject nito.
Tanong pa ng netizen, “How many shots do you need? Are you close to your target?”
Reply ni Nic, “I actually have to continue taking testosterone for the rest of my life I believe, but right now it’s a shot every week at a relatively low dosage. It’ll get higher later on.”
Ganern?