ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Dec. 27, 2024
Photo: Sharon Cuneta at KC Concepcion - FB
Bati na ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion. Ito ang ibinahagi ni KC sa kanyang Instagram (IG) account sa araw ng Kapaskuhan.
Ayon sa anak nina Sharon at Gabby Concepcion, nagkausap daw sila ng kanyang ina. Kung ano ang kanilang pinag-usapan ay hindi na niya sinabi pa.
“Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon! (star at Christmas tree emoji).
“Christmas will always be about love, laughter, and time with family for me… ending the year right with a conversation between Mama and I (heart emoji). She always makes the holidays extra magical and special (loved emoji),” pahayag ni KC.
Sinabi rin ng dalaga ang kanyang willingness para maayos ang lahat sa pagitan nila ng kanyang pamilya, lalung-lalo na nga sa kanila ng kanyang ina.
“For this year’s Christmas season, I’m taking my quiet space to pray, reflect, recharge, reset, and look forward to the blessing. I know God has in store for me (and my family)! I know, nand’yan lang si God para sa ‘min and magiging ok ang lahat. Especially between my mama and me,” aniya.
“Grateful for the love and joy I have in my life everyday! From my little pack to yours, I hope your holidays are filled with warmth, laughter, endless cuddles, and love. Cheers to a fresh start for the New Year ahead, God bless us all!” pagtatapos niya.
Matatandaang last year nagsimula ang problema sa pagitan ni KC at ng kanyang pamilya nang i-unfollow niya ang stepdad niyang si Atty. Kiko Pangilinan at stepsister na si Frankie.
Kasunod nito ay nagkaroon na rin ng balitang hindi rin maganda ang relasyon nila ni Sharon Cuneta at inamin naman ito ni Megastar sa kanyang mga panayam.
NANGANGAMOY Best Actress si Star for All Seasons Vilma Santos sa kanyang entry this year for the 50th Metro Manila Film Festival (MMFF), ang Uninvited ng Mentorque Productions and Project 8 Projects directed by Dan Villegas.
Napanood namin ang pelikula sa special screening held last Wednesday and we’d say, napakalaki ng posibilidad na maka-back-to-back ng Best Actress award si Ate Vi.
Matatandaang last year ay siya ang nagwagi for the said award at the MMFF Awards Night para sa pelikulang When I Met You in Tokyo (WIMYIT).
Muli ay ipinakita ng Star for All Seasons na wala pa rin siyang kupas pagdating sa kahusayan sa pag-arte. Ang galing-galing niya sa breakdown scene niya nang makita niya ang bangkay ng kanyang anak played by Gabby Padilla. So powerful, so heartbreaking.
Aga Muhlach too is definitely a must-watch sa kanyang performance as Guilly na talaga namang sinalo na yata ang lahat ng kasamaan. Definitely, out of the box ito para sa aktor at nai-pull-off niya in full colors.
Hindi rin nagpatalbog si Nadine Lustre who plays Nicole, daughter of Guilly na mayroon ding dark secrets. Best scene niya ang part na paulit-ulit niyang minura ng “put**a mo” ang kanyang amang si Guilly.
But definitely, Uninvited is a Vilma Santos movie at hindi na kami nagtataka kung bakit ito ang mas pinili niya over the other entry na napunta kay Lorna Tolentino.
Ang masasabi lang namin, make sure na isama n’yo sa list ng MMFF films na panonoorin n’yo ang Uninvited because it’s really worth your money.
Comments