ni Julie Bonifacio @Winner | Nov. 11, 2024
Photo: Sue at Javi Benitez - Instagram
Sunud-sunod ang post ni Sue Ramirez sa kanyang Instagram pagkatapos lumabas ang official announcement ng actor-politician na si Javi Benitez sa pagtatapos ng kanilang five-year relationship.
Unang na-link sina Sue at Javi nu’ng magtambal sila sa action movie titled Kid Alpha One noong 2020.
Naging opisyal ang kanilang relasyon noong September, 2020, pero nag-break sila four months ago this year.
Few months ago ay may usap-usapan na sa breakup nina Sue at Javi. Pero wala sa kanila ang nagkumpirma or nag-deny nito.
Hours after ng post ni Javi sa socmed (social media) ng announcement niya ng breakup nila ni Sue, agad na nag-post ang Kapamilya actress sa kanyang Instagram ng piktyur niya habang nagbabakasyon sa Siragao Island.
Sa unang IG post ni Sue, ganito ang caption niya: “I love life.”
Sey ng fan, “We love you, Sue (heart emoji), be happy and healthy always.”
Marami rin ang naghahanap ng piktyur ni Sue kasama ang rumored boyfriend niya na si Dominic Roque.
Sey nila, “Love mo na rin ba si Dominic, Madam?”
“Isa ako sa magiging masaya ‘pag totoo ‘yung tsismis!”
Sumunod na IG post ni Sue ay nasa dagat suot ang napakaseksing two-piece bikini.
Say ni Sue sa IG post niya, “If life isn’t a bit chaotic, you’re not living rock and roll.”
Comment ng mga netizens…
“Ang sinayang ni Mayor (Javi).”
“Natikman na n’ya for sure, kaya ‘di s’ya nasayangan.”
“Just give yourself time. Enjoy and have fun ka. If you and Javi are meant to be, he will come back to you.”
“I think Javi only used her to launch his political career.”
Sa pangatlong IG post ni Sue kahapon, tila meron siyang gustong sabihin sa madlang pipol that caused her terrible pain, “Sago’t gulaman para kay Madam..ing dinadala.”
Napansin ng isang netizen na nag-like si Javi sa IG post na ‘to ni Sue at ngayon lang daw ulit ito nag-like sa post ng ex-GF.
Naging maayos naman daw kasi ang hiwalayan nina Sue Ramirez at Javi Benitez, kaya they can move on at magkani-kanyang bagong partner sa buhay.
Nagreklamo na ‘di nakakanta last time…
BOOTS, NAPAKANTA AT SAYAW NI ICE SA CONCERT
FINALLY, napakanta na ni Ice Seguerra ang isa sa mga inirerespetong artista sa industriya na si Ms. Boots Anson-Rodrigo sa very successful night ng Ice Seguerra, Videoke Hits: OPM Edition Isa Pa sa Music Museum last Friday.
That night is not the first time na nanood si Ms. Boots ng Videoke Hits concert ni Ice.
Nu’ng first night na manood ng concert ni Ice si Ms. Boots ay nahihiya ang singer na lapitan ito sa audience at pakantahin. Nag-alangan si Ice na baka ‘di feel ni Ms. Boots ang kumanta.
Pero laking-gulat ni Ice nu’ng makausap niya si Ms. Boots after the concert ay “sinita” ng beteranang aktres ang singer kung bakit ‘di siya nilapitan at pinakanta.
Kaya naman nu’ng nakita ni Ice si Ms. Boots ay nakakanta na ang well-respected actress. At, ‘di lang siya kumanta, ha, sumayaw pa siya kasama ang partner ni Ice at dating FDCP chairperson na si Liza Diño on stage.
May pasabog na dance number si Liza sa kantang Pantropiko ng BINI towards the end of the show.
Grabe ang ganda ng show, siksik and very entertaining. Nanood at naki-sing-along din kay Ice ang mga celebrity friends at mahuhusay na singers na sina Sitti, Bayang Barrios at Frenchie Dy.
Isa sa mga favorite numbers namin sa concert ay ang jamming ni Ice with Ebe Dancel sa awiting Sirena.
Spotted din sa harap ng stage ang award-winning director na si Brillante Mendoza, ang ina ni Ice na si Mommy Caring, ang negosyanteng si Ms. Cecille Bravo ng Intele Builders and Development Corporation at marami pang iba.
For sure, magkakaroon ulit ng Videoke Hits: Third Edition dahil sa big success ng show last November 8.
Again, our congratulations kay Ice, Liza and the rest of the Ice & Fire production team!
Comments