ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Mar. 1, 2025
Photo: Sharon Cuneta - Instagram
Masayang-masaya si Sharon Cuneta na finally, pagkatapos ng mahigit 2 dekada ay nakapag-shopping na siya ng damit na gusto niya.
Ikinuwento ni Megastar sa kanyang Instagram (IG) ang ginawa niyang pamimili ng damit ngayong pumayat na siya. Ibinahagi rin niya ang kanyang larawan kung saan ay suot na niya ang bagong biling pants and blouse.
Aniya, kung dati raw ay size 24 siya, ngayon ay 6-8 (small to medium) na.
“For the first time in over 20 years, I was able to shop for clothes again that I actually want to wear. I went up to a size 24 (!) years ago, and that was when I truly panicked, because my health was suffering. I am now back to size 6-8. A small to medium,” pagbabahagi ni Shawie.
Sey pa niya ay napaiyak pa siya dahil hindi raw siya makapaniwala na ganito na siya kapayat at nagbunga na ang lahat ng kanyang paghihirap sa pagbabawas ng timbang.
“And when I tried on clothes for my new wardrobe, I was moved to tears because I still couldn’t believe I had finally lost all that ugly extra weight!” aniya.
“Not done yet. Just a few more. I thank the Lord everyday (praying emoji),” pagtatapos pa ni Mega.
Matatandaang 9 years nang nagpapapayat si Sharon at lagi rin naman niyang ibinabahagi sa kanyang mga IG followers ang kanyang weight loss journey.
INAMIN ni Robi Domingo na ang dahilan ng pagbisita niya sa National Bureau of Investigation (NBI) last Thursday ay para kumonsulta tungkol sa natanggap niyang mensahe mula sa isang troll account last week na tila isang pagbabanta.
“I consulted with a lot of people, including my legal team, and they said it's a go. My relatives included and, of course, my wife,” pahayag ni Robi sa panayam ng ABS-CBN.
Nang una raw niyang mabasa ang komento ay kinonsulta niya muna ang asawang si Maiqui at tinanong niya ito kung puwede niyang patulan.
“Alam mo ‘yung mga araw na pagod ka, I consulted Maiqui about it. Sabi ko, ‘Patulan ko lang, okay lang ba?’ Sabi n’ya, ‘Just ask questions, don't be direct 'coz that will just create turmoil and all,’” pagbabahagi ng Kapamilya TV host.
Aniya, “She was right, I asked questions and it did create a lot of things with the fans of Kathryn (Bernardo), and DonBelle, and then ang dami nang nangyari. Sabi nila, ‘Uy, magpaka-kuya ka nga, ayusin mo ‘to!’”
“Sabi ko, ‘Paano naman ako, na-threaten ako?’ Some people say it can be a minor threat and it’s a troll account. I hope this sets an example na minor or major threat, troll or not, you have to take accountability of your actions -- online or offline,” patuloy niya.
Pero ikinatuwa naman ni Robi na nakatanggap siya ng message of support mula kay Belle Mariano hinggil sa usaping ito.
“Nag-message sa ‘kin si Belle, saying na, ‘Hi Kuya, I hope you are okay!’ She was so nice for telling me na ‘Rest assured my true fans will not harm you in any way, hindi sila ganoon, they love you and respect you a lot.’ And I told her the whole story. We’re good, we’re okay,” kuwento ni Robi.
Ayon sa TV host, nais niyang matigil na ang mga ganitong kairesponsablehan sa social media.
“Hopefully, everyone especially in the age of social media, everyone please do your part. And please be responsible,” sey niya.
“I am just safeguarding myself, especially with what’s gonna happen in the future,” aniya pa.
Matatandaang isang basher ang nagbanta kay Robi tungkol kina Donny Pangilinan at Kathryn Bernardo na mga judges ng upcoming season ng Pilipinas Got Talent (PGT).
“@iamrobidomingo ay subukan mo lang na i-match si @donny at @bernardokath ready ready and solid supporters ni Belle Mariano na ibash ka mula ulo mo hanggang paa. ‘WAG MO I-TOLERATE ‘yung KALANDIAN ng peste mong kaibigan,” komento ng basher na deleted na ngayon.
Sinagot naman ito ni Robi ng “Can I consider this as a threat? Can I take legal actions against this? I don't tolerate this behavior.”
Last Thursday ay nagtungo na nga ang TV host sa NBI at nakipag-usap kay Atty. Jerome Bomediano, Chief of the NBI-Organized and Transnational Crime Division (NBI-OTCD) para alamin ang batas hinggil sa pagsasampa ng reklamo.
Comments