top of page
Search
  • BULGAR

After 5 yrs., nagbago raw ang aktres… MARIS, UMAMING SIYA ANG NAKIPAG-BREAK KAY RICO

ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 13, 2024


Showbiz News

"Rico and I are over," ang diretsong deklarasyon ng magaling na Kapamilya actress na si Maris Racal tungkol sa bali-balitang hiwalay na sila ng musician boyfriend na si Rico Blanco.


Humarap si Maris kahapon (July 12) sa entertainment media thru Star Magic Spotlight mediacon para i-promote ang kanyang latest movie na Marupok AF


Dahil new look si Maris, sporting a short brown hair with bangs, biniro namin ito kung totoo bang nagpagupit siya at may pinagdaraanan kaya nagpaikli ng buhok.


Naka-smile na sabi niya, wig lang 'yun, na in fairness, bumagay naman sa kanya at ang ganda-ganda pa rin niya.


And then naitanong na nga namin kay Maris kung gaano ba ka-supportive ang kanyang BF na si Rico sa successful love team nila ni Anthony Jennings sa Can't Buy Me Love.

Tiniyak naman niyang very supportive si Rico at hindi selosong tao.


Pero nu'ng natanong na namin kung nakikita ba niya ang sarili na si Rico na ang makakasama niya hanggang sa dulo, ru'n na nagsimulang maging emosyonal si Maris at inaming break na sila ng five-year boyfriend.


"I'm so scared. I'm really scared. Ang dami kasing tanong about him and I'm tired of smiling and noodding. 


"I'm so scared 'coz if I announce it, that is real. But yeah, Rico and I are over," pag-amin ng dalaga at nagsimula na ngang tumulo ang mga luha. 


When asked kung kelan pa at ano'ng nangyari, mas lumakas pa ang tulo ng luha ni Maris. 


"It's fresh. It's been weeks, loneliest and emptiest weeks I've ever experienced in my life."

At nu'ng tinanong namin siya kung gusto ba niyang mag-share, aniya, "Wala akong short answer for it, but ah, hindi ko rin siya mailabas ng isang statement lang kasi 'di ganu'n kadali, sobrang complicated niya na situation." 


Emosyonal man, du'n na nga nagsimulang magkuwento si Maris, "Rico and I, our universe is so beautiful and so full of love, laughter and music, everything. Spontaneity, everything. Sa 5 years namin together,  we were always on the same page, always on the same page. 


"Kaya lang I don’t know what happened. Maybe I turned to the next page, so a new perspective sa life. I had visions who I want to become, how I want to evolve. I'm so curious about the world. And the truth is, I'm going through changes and alam naman natin 'yun, changes either good or bad. What I hate about change is that it's inevitable, 'di mo siya matatakasan. And wala ka nang ibang gawin kundi you have to face it and confront it."


At kung paano niya nasabi kay Rico na gusto na niyang makipaghiwalay?

"It's been at the back of my head. So, yeah, I told Rico about it. I told him my problems, my issues sa buhay and he took it like a man. He took it like a man."


Hindi raw naging madali ang desisyong 'yun, pero aniya, "It was a very difficult talk 'coz I love him so much. I love him and he loves me, but I have so many questions about my life. How will I go on sa buhay with him when I have many questions about me and my sense of self?


"It was very difficult but a very polite separation. Up to the very end of the relationship, it was still full of love and understanding. And Rico is one of a kind. If only I could skip through my 20s, you know, but I can't. I have to face it, I have to sit with my feelings and acknowledge my changes."


 

Ka-love team, 'di raw dahilan ng hiwalayan nila ni Rico… "ANTHONY IS OUT OF THE PICTURE" — MARIS 


Showbiz News
Photo: Maris Cabral / IG

Nilinaw din ni Maris na walang kinalaman ang ka-love team niyang si Anthony Jennings sa separation nila ni Rico Blanco.


"Anthony is out of the picture," ani pa ni Maris sabay pakiusap sa mga tao na irespeto at unawain ang pinagdaraanan nila ngayon ng ex-BF dahil pareho silang 'grieving'.


Sinabi rin ni Maris na ito na ang una't huling pagsasalita niya about sa hiwalayan at friends pa rin naman daw sila ni Rico Blanco.


Well, we just wish na madali silang makapag-heal at knowing Maris na strong empowered woman, for sure ay makaka-move on din siya.


 

Nabulgar sa concert, Kris at Assunta… JAMES YAP AT JULES LEDESMA, NANLIGAW DIN KAY ARA


Showbiz News
Photo: James Yap & Jules Ledesma / IG

Ang gaganda ng mga gowns na isinuot ni Ara Mina sa kanyang 30th anniversary concert na ginanap sa Newport World Resorts Theater nu'ng Thursday night titled All of Me.


Pero bukod sa mga pasabog niyang gowns, ginulat ni Ara ang mga manonood dahil hindi lang pala siya basta nakakakanta, nakakabirit pa at marunong ding tumugtog ng piano.


Bumirit nga si Ara sa kantang Forever ka-duet si Concert King Martin Nievera at in fairness, naitawid talaga ni Ara ang mga high notes.


Nakipag-duet din siya sa good friend niya at dating kasamahan sa Bubble Gang na si Ogie Alcasid sa kantang Bakit Ngayon Ka Lang.


Mala-FPJ at Maricel Soriano naman ang peg nina Ara Mina at Sen. Bong Revilla, Jr. sa kantang Kumusta Ka ni Nonoy Zuñiga. 


Naging leading lady ni Sen. Bong si Ara sa pelikulang Alyas Pogi at kung 'di nga naaksidente si Sen. Bong, sana ay pang-MMFF entry nila ang kanilang reunion movie this year. Hopefully, matuloy 'yun next year.


Naka-duet din ni Ara ang younger sister na si Cristine Reyes na kahit mahiyain daw at first time umakyat sa stage ay pinagbigyan ang request ng kanyang ate.


Touching din at naging emosyonal si Ara sa song number nila ng anak na si Mandy na kahit bata pa, nasa tono rin namang kumanta.


'Kaaliw naman ang banter ni Ara with her former co-star sa Bubble Gang na si Brod Pete at dito nga namin nalaman na nanligaw din pala ang ex-husband ni Kris Aquino na si James Yap kay Ara, maging ang husband na ngayon ni Assunta de Rossi na si Cong. Jules Ledesma.


Well, hindi man umakyat sa stage at kumanta ang mister ni Ara Mina na si Dave Almarinez, all-out support naman ito sa kanyang misis. 


Dumating din ang Tuesday group ng That's Entertainment at ilang friends ni Ara from showbiz tulad nina Jenny Miller, Jaycee Parker, Assunta De Rossi at Jules Ledesma, Ms. Rei Tan of Beautederm na laging nakasuporta kay Ara, Herlene Budol at marami pang iba.



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page