After 5 yrs. na magdyowa… KIRAY, PAKAKASALAN NA NG BF
- BULGAR
- 9 hours ago
- 3 min read
ni Beth Gelena @Bulgary | Apr. 23, 2025
Photo: Kiray Celis - Instagram
Inggit much ang mga netizens sa love life ni Kiray Celis.
Nag-propose na kasi ang boyfriend nitong si Stephan Estopia kamakailan na nasa reel ng TikTok kaya naman engaged na sila ngayon ng kanyang longtime boyfriend.
Ishinare ni Kiray sa kanyang IG ang heartwarming snapshots ng beachside proposal ng boyfriend.
“Ang CEO ng Hot Babe, Hello Bloom at Day-Li ay ENGAGED na!!!” anunsiyo ng comedienne-actress.
Reaksiyon ng kanyang mga fans:
“Super cute. Congratulations to the both of you.”
“Congrats, Kiray! I hope for a happy and healthy marriage for the both of you! You deserve everything!”
Sa isang panayam kay Kiray last January, nabanggit na niyang may idea na silang mag-settle down ni Stephan.
“Actually, sabi ko nga, sa 5 years namin, bago pa kami mag-isang taon, tinatanong na n’ya ako kasi sabi ko nga, lagi kong ipinagmamalaki na hindi pala sa tagal ng panahon na nakilala mo ang isang tao na masasabi mo ito na ‘yung papakasalan mo. Minsan kung sino pa ‘yung maikli mong kakilala ay kasal na agad. ‘Di ba? May mga moments na ganu’n... Totoo pala talaga ‘yun, ganu’n kami,” sey ni Kiray.
Maraming Pinoy at pati mga local celebrities natin ang nalungkot sa pagpanaw ni Pope Francis na ang tunay na pangalan ay Jorge Mario Bergoglio nitong April 21 sa kanyang tinitirhan na Vatican’s Casa Santa Marta sa edad na 88.
Taong 2015 nang dalawin ni Pope Francis ang ating bansa.
Isa sa mga Filipino actors na nalungkot at nagpahayag ng kanyang mensahe sa pagpanaw ni Pope Francis ay si Richard Yap. Inalala nito ang panahong nakadaupang-palad niya ang Santo Papa.
Sa kanyang Instagram (IG) throwback ay ipinost niya ang una nilang pagmi-meet ni Pope Francis sa St. Peter’s Basilica, Vatican City.
Aniya, “May you rest in the bosom of our Lord, Pope Francis.”
Dagdag pa ni Yap, “What a blessing to have been able to meet you and be in awe of your spiritual presence.”
May ini-repost din siyang clip from the said meeting na may caption na: “So blessed to have met the Pope.”
MAY post ang Star Magic na isang statement para sa malicious social media posts.
“We urge everyone to be more conscientious when publishing content on social media as these could greatly impact a person’s mental and emotional well-being.
“In true Kapamilya spirit, let us continue to spread love and kindness, instead of hate and animosity.”
Walang tinutukoy ang Star Magic kung sino o kung ano ang isyu sa kanilang anunsiyo.
Ang tanong tuloy ng mga netizens.
“Bakit? Ano’ng meron? The last time na nag-post sila ng ganyan ay nu’ng may issue ang BINI at BGYO pa. Ano’ng issue this time?”
“Probably the issue nu’ng ball?”
“Tungkol ‘yan siguro kay AC na sabi ng basher na sana ay mawala na s’ya sa mundo. May post sa Facebook (FB) tungkol dito.”
“Good job! Pero sana action agad, ‘di na pa-ganito ang threat.”
“Ang lala nu’ng Maundy Thursday hanggang Saturday, tuluy-tuloy bardagulan sa X ng mga fans nina Kath & Alden.”
“Ano’ng meron kina Kath and Alden? And their respective fans? Nag-aaway?”
“Warfreak fans ni Alden. Laging may issue sa mga fans ng ka-love team ng idol nila.”
“Siyempre, warning shot muna before kill, kill, kill.”
“Better late than never & good on you for posting this!”
Sino nga kaya ang tinutukoy, mga Ka-BULGAR?
Comments