top of page
Search
  • BULGAR

After 5 yrs., hiwalay na… PARENTS NI MAYOR JAVI, 'DI RAW BOTO KAY SUE

ni Reggee Bonoan @Sheet Matters | Oct. 4, 2024



Showbiz news

Kinumpirma na ng aming source na matagal nang hiwalay si Victorias City Mayor Javi Benitez at ang actress girlfriend niyang si Sue Ramirez ilang buwan na ang nakararaan.


Matagal na ring naba-blind item sina Mayor Javi at Sue, dahil na rin sa mga kaibigan nilang nagbubulungan hanggang makarating ito sa media.


“Inaayos naman dati kasi nga mahal naman nila talaga ang isa’t isa, lalo na si Sue. Kita mo naman kapag walang work, lumilipat siya ng Victorias para makasama si Javi kasi hindi naman makaluwas ng Manila si Javi dahil busy. Kung luluwas ‘yun, para lang dalawin ang mom niya,” bungad na tsika ng aming source.


Ano’ng dahilan ng hiwalayan?


“Sabi, ‘di raw boto ang parents ni Javi kay Sue, ‘yun ang kuwento ng common friend namin. Pero kung hindi boto, bakit umabot pa sila ng almost five years, ‘di ba? Eh, di sana, noon pa ay inayawan na.


“Pero may version naman na may ibang gusto ang parents for Javi, kaya si Sue, iyak nang iyak nang malaman ang kuwento. Kaya si Sue nowadays, medyo lutang, pero nagagawa naman n’yang mag-work, in fairness naman sa lola mo,” kuwento pa ng aming source.


Nang huli naming makita si Sue ay mukhang okey naman, pero pansin nga na malungkot ang kanyang mga mata, unlike dati na kilig na kilig pa kapag kinukumusta ang love life niya.


Anyway, bukas ang BULGAR sa panig ni Mayor Javi Benitez o ng kampo niya at ni Sue Ramirez na rin.


 

'Di totoong tinanggal dahil kay Richard…

BARBIE, JOIN PA RIN SA SERYE NI COCO 


Barbie Imperial - Batang Quiapo

Hindi totoong hindi na babalik si Barbie Imperial sa FPJ’s Batang Quiapo (BQ) tulad ng mga viral videos and photos na pinalulutang ng mga hindi lehitimong showbiz websites.

May nabasa pa kaming mas inuna raw ni Barbie ang dikta ng puso dahil kasama siya sa shooting ng serye nina Richard Gutierrez at Daniel Padilla sa Milan, Italy gayung may naiwang trabaho rito sa 'Pinas.


Naka-quote pa nga si Coco Martin na maraming may gustong mag-guest sa BQ pero hindi nito nabibigyan pa ng pagkakataon dahil may mga nakalatag pang kuwento at isa na nga ang karakter ni Barbie.


Anyway, nakatsikahan namin ang taga-production ng BQ at nag-taping na raw si Barbie nitong Miyerkules nang gabi bilang miyembro ng carnapping syndicate.


“Oo, hindi naman tinanggal si Barbie at saka walang sinasabing ganyan si Direk Coco. Actually, nababasa rin namin ‘yung mga fake news, natatawa nga kami.


“Makakasama ni Barbie bilang carnapper sina William Martinez, Ariel Villasanta at Anjo Yllana,” kuwento sa amin.


Sabi namin, ang daming artista ng BQ, buti nabibigyan ng tamang exposures, eh, puro malalaki ang mga pangalan.


“Nagbawas naman din kasi ng tao, like si Supremo (Sen. Lito Lapid), out na muna s’ya kasi kakandidato, eh, bawal, ‘di ba? Sina Mark Lapid at Joey Marquez din, out na, ‘di ko alam kung kakandidato sila. Pero ‘yung grupo ni Supremo, out na.


“Tapos, si Sir Jaime Fabregas (Don Facundo), wala na rin kasi ‘di ba, sinugod sila ni Sir Christopher de Leon, pati si Ms. Tessie Tomas (Dona Bettina), wala na rin. ‘Yung grupong ‘yun, wala na,” tsika pa sa amin.


Hindi naman kami sinagot kung kasama pa sina Nonie Buencamino (Marcelo) bilang tao rin ni Jaime.


Ang mangyayari, lahat ng guesting ay hanggang isang buwan na lang ang exposure para marami raw ang matulungan ni Coco.


Kaya bine-bless lalo si Coco Martin dahil marami siyang natutulungan.

0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page