ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | November 23, 2022
Maraming tagasubaybay ng Maalaala Mo Kaya (MMK), ang sinasabing Asia's longest drama anthology, ang nalungkot nang inanunsiyo ni Ma'm Charo Santos-Concio na magpapaalam na ang kanyang programa ngayong Disyembre pagkatapos ng 31 years nitong pamamayagpag sa ABS-CBN.
At sa loob din ng 31 years, maraming makabagbag-damdaming episodes ng MMK tungkol sa buhay ng mga Pilipino ang naitampok sa nasabing programa ng ABS-CBN.
"Hindi na po mabilang ang nasalaysay na kuwento rito sa MMK — mga kuwentong totoo, mga salamin ng sarili ninyong buhay na nagbigay ng aral at ng panibagong pag-asa,” Charo said in her farewell message.
"Kami po ay tagapaghatid lang ng mga kuwento,” dagdag niya. “Kung mauulit man ang lahat, hindi po ako magdadalawang-isip na piliin muli ang role na ito. Kulang po ang tatlumpu’t isang taon para magpasalamat sa inyo.”
Gustong pasalamatan ni Ma'm Charo hindi lang ang mga aktor na gumanap sa MMK sa mga real-life characters ng mga letter senders kundi maging ang mga tao sa likod ng tagumpay ng programa, ang mga creative staff at crew.
Samantala, Maalaala Mo Kaya will release a three-part special until December 10, its last day of airing. Ang first episode ng show ay umere nu'ng 1991.
コメント