top of page
Search
  • BULGAR

After 2 yrs. na nagtago sa socmed… ANGEL, PUMAYAT NA

ni Julie Bonifacio @Winner | June 4, 2024



Showbiz Photo
File photo: Angel Locsin

Marami na ang naghahanap kay Angel Locsin especially sa social media. Nami-miss na ng mga netizens ang pag-a-update ni Angel sa mga ganap niya sa buhay through her posts.


Almost two years na rin kasi since huling lumantad sa publiko si Angel. 


Caption ng netizen sa ipinost niyang old picture ni Angel, “Angel Locsin, hindi pa rin nagpaparamdam. Agosto 1 pa ng taong 2022 ang huling Instagram post ng aktres.”


Sey ng mga fans ni Angel, sobrang nami-miss na nila ang aktres.


“Miss na miss ko na s’ya (crying emoji).”


“Babalik pa kaya s’ya? Miss your grace, Ms. Angel Locsin.”


May nag-comment na active pa rin daw si Angel sa pagpo-post sa kanyang Facebook account. True enough, may mga latest posts sa verified Facebook account si Angel.


Although, may pagdududa pa rin na baka may ibang nag-a-upload nito. Posibleng ang socmed (social media) team nila ng mister niyang si Neil Arce. 


Comment ng follower ni Angel, “Actually, according to my source, payat na s’ya sa huling bisita ni Tita Cory (Vidanes) sa bahay nila, napag-usapan ang pasabog na pagbabalik n’ya sa Primetime Bida!”


In fairness, sa huling video ni Angel na naghuhugas s’ya ng pinggan ay payat na siya. Domesticated wife ang drama ni Angel sa video na naka-upload sa Facebook account ng aktres.


Sey ng ibang netizen, “She’s now living the best of her life (in love emoji).”


Mukhang haping-happy pa rin talaga si Angel sa piling ni Neil. Kaya kung saan happy si Angel, dapat suportahan ng kanyang mga fans.


And for sure naman, mami-miss din niya ang pag-arte at babalik din siya sa pag-aartista. Sabi nga nila, once an actress, always an actress.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page