ni Janiz Navida @Showbiz Special | July 27, 2023
![](https://static.wixstatic.com/media/bd1fd9_cef9ac0f5bbe4ac6ab46d99f05942045~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/bd1fd9_cef9ac0f5bbe4ac6ab46d99f05942045~mv2.jpg)
Kahit naloka ang isa sa mga reyna ng Vivamax na si Christine Bermas na na-hot seat sila ng boyfriend na si Nico Locco sa Zoom mediacon ng Vivamax movie na Manyak ay very sport pa rin naman itong sumagot sa mga tanong ng press.
Ipinaalala kasi ni kapatid na Jun Lalin ang naging pag-amin ni Christine sa isang past interview na si Nico ang naka-devirginize sa kanya, at bagama't parang nagulat, inamin naman ng dalaga na wala siyang regrets na kay Nico niya ipinagkatiwala ang kanyang virginity.
Na-prove naman kasi ni Christine na hindi lang katawan niya ang habol ng boyfriend na si Nico nang after 2 yrs. nilang relasyon ay ipinakilala na siya ng Italian-Canadian actor with a Filipino heart sa mga magulang at pamilya nito.
Sabi nga ni Cristine sa Zoom mediacon ng Manyak, ibang level na kapag ipinakilala ka sa pamilya at very proud siya sa bagay na 'yun, to think na nagkaroon na rin pala ng dalawang Pinay ex-girlfriend si Nico Locco bago siya.
Samantala, parehong happy sina Christine at Nico na finally, nagkatrabaho na rin sila rito sa Manyak na palabas na sa Aug. 4 sa Vivamax. Hoping din sila na hindi ito ang first and last dahil may chemistry din pala sila hindi lang off-cam kundi maging on-cam.
Kasama rin sa Vivamax movie na Manyak sina Sheree, Joko Diaz at marami pang iba mula sa direksiyon ni Carlo Alvarez.
Comments