ni Vinia Vivar - @Frankly Speaking | June 11, 2022
Finally, makalipas ang 18 taon na pagsasama, ikinasal na sina Aubrey Miles and Troy Montero noong June 9, Thursday, via a civil wedding ceremony sa Mandaluyong.
Opisyal itong inanunsiyo ng bagong kasal kahapon sa kani-kanilang Instagram page kasabay ng pagbabahagi ng mga wedding photos.
Makikita sa larawan si Aubrey in a simple white wedding jumping suit habang si Troy naman ay naka-all black wedding suit with white long sleeves.
Ayon sa caption ng bride, si Mandaluyong Mayor Carmelita Abalos ang nagkasal sa kanila.
“June 9, 2022 (wedding ring emoji) Civil Marriage by Mayor Carmelita Abalos,” bahagi ng caption ni Aubrey.
“We did it!” ang maikling caption naman ni Troy.
Makikita sa mga larawan na very intimate lang talaga ang kasal na dinaluhan ng malalapit nilang kaibigan at kaanak kabilang na ang kapatid ni Troy na si KC Montero at siyempre, ang dalawang anak ng bride and groom na sina Hunter at Rocket.
Pero bago ito ay kalat na rin ang mga wedding photos nila nu'ng Thursday pa lang dahil sa mga posts ng mga kaibigan na inire-repost din nina Aubrey and Troy sa kanilang IG Stories.
Masayang-masaya ang mga kaibigan ng newlyweds na finally after 18 years ay ikinasal na rin ang dalawa.
Matatandaang noong nakaraang Marso lang nang i-announce ng dalawa na engaged na sila.
Comments