top of page
Search
  • BULGAR

After 13 yrs. JODI AT PAMPI, ANNULLED NA

ni Nitz Miralles @Bida  | June 10, 2024



Paolo Contis


Nai-share ni Jodi Sta. Maria sa mga followers niya sa Instagram (IG) ang magandang balita at mararamdaman mo ang saya nito dahil finally ay annulled na ang kasal nila ni Pampi Lacson.


Caption ng aktres sa IG post, “Finally after 13 years of waiting, my petition for nullity of marriage has been granted by the Supreme Court.


“It was indeed a test of faith and trust - faith in God’s promises and trust in God’s timing.


“The time I spent in His waiting room was never easy nor was it comfortable. It was frustrating, discouraging, and even heartbreaking. I cried, prayed, questioned and complained. I made “tampo” asked for forgiveness, prayed some more. I wanted to give up but He never let go of my.


“Looking back it was His grace that sustained and carried me. He had a purpose for the waiting. And that was made clear to me by the Lord.


“I know some of you might be in His waiting room. May I encourage you with this? ‘When the time is right, I, the Lord, will make it happen.’ - Isaiah 60:22


“God is never in a hurry. He is never too late. Never too early. Believe He is able to do something about your situation. Trust He has a plan for you and that plan is even better that the one you have for yourself.


“And when God finally calls you out of the waiting room, don’t forget to thank Him and give Him all the glory.


“Now I can finally say... CASE CLOSED.”


Bago tapusin ang post, nagpasalamat si Jodi sa kanyang prayer warriors, her lawyer Connie Jimenez-Aquino for not giving up on her case.


Anyway, sunod na mapapanood si Jodi sa Lavender Fields, ang sinasabing grandest serye ng taon from ABS-CBN Studios and Dreamscape Entertainment.


 

                                                             

May bardagulan scene sina Bea Alonzo at Carla Abellana sa Widows’ War, as in sabunutan at sampalan talaga. Matagal ang eksena, pareho pa namang malaking babae ang dalawang aktres at malalaki ang mga kamao. 


Curious ang mga fans kung totoo ba silang nagkasakitan?

Dinig kasi sa video ang lagapak ng sampal ni Carla sa pisngi ni Bea at du’n naman sa sabunutan, ang tagal din ng eksena. Matagal bago sila naawat at dahil parehong malaki, matatangkad at malakas, ‘yung umawat pa ang natumba.


Isa ang nasabing eksena sa mga inaabangan na ng mga viewers na mapanood at malaman ang story kung bakit nag-away ang mga karakter nina Carla at Bea na magkaibigan pala sa umpisa ng serye. Ano ang nangyari sa kanilang friendship?


Nakakatuwa lang ang Kapuso at Kapamilya fans na nag-aaway-away na naman dahil sa bardagulan scene ng dalawang aktres. Sabi ng Kapamilya fan, ginaya raw ang eksena sa isang pelikula ng Star Cinema. Umalma ang Kapuso fans dahil marami nang pelikula at TV series ang may sampalan at sabunutan at hindi ito ipinagbabawal. Puwede ring ulitin ang sampalan at sabunutan, hindi isyu kung sino ang nauna.


Sa July 1 na ang world premiere ng Widows’ War  na ang direktor ay si Zig Dulay. Nabanggit nina Bea at Carla na may magge-guest na galing sa Royal Blood, bilang may konek ang story ng dalawang murder mystery series ng GMA-7.


Speaking of Bea, asawa pala ng driver niya ang huling kinasuhan ng cyber libel. Ito yata ang sinabi nito na parang kilalang-kilala siya kung magkuwento tungkol sa kanya. Siguro naman, wala na sa empleyo niya ang nasabing driver.


 

KAHIT umuulan, itinuloy ni Daniel Padilla ang performance niya sa Pagkakaisa concert sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex. Basang-basa si Daniel at hindi siya iniwan ng audience at kanyang mga fans na hindi rin umalis. Kaya ang daming basa nang gabing ‘yun at kahit basa, tuloy ang sigawan ng mga fans kapag kumanta na si Daniel na maganda pala talaga ang boses.


Sa isang parte ng concert, tinanong ni Daniel ang audience kung sino ang nanood kasama ang nobya. Hindi na hinintay ni Daniel ang sagot ng audience at nag-comment ng “Sana all” na ikinatawa ng mga audience.


Well, ang daming tao at nag-enjoy sila sa performance ni Daniel. Tama ang mga fans nito, ang dami niyang puwedeng gawin bukod sa pag-arte. Hinihintay na nga nila ang ipinangako nitong concert at ang kanyang pagbabalik-recording.


0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page