top of page
Search
BULGAR

After 12 yrs., nauntog na walang balak magpakasal ang BF… KIM, JUNE PA HIWALAY KAY XIAN

ni Janiz Navida @Showbiz Special | December 27, 2023





Two days bago nag-Pasko ay umamin si Kim Chiu na hiwalay na sila ni Xian Lim.


Pero may nakausap kaming source na close sa It's Showtime host na nagsabing April pa lang pala ay nagkakalabuan na ang dalawa at na-confirm lang talaga ang breakup nu'ng June na kung saan tuluyan nang naghiwalay ang mga ito.


Walang third party sa hiwalayan. Ang nakarating sa amin, diretsahang tinanong ni Kim si Xian kung kasama ba siya sa plano nito for the next five years at nagpaka-honest naman ang aktor na hindi nga niya priority ang pagkakaroon ng pamilya.


Marami pa raw gustong gawin si Xian sa kanyang career kaya ayaw pang mag-asawa, which Kim feels unfair dahil 12 yrs. na nga sila, and yet, wala pa ring plano sa kanya ang BF.


So, ayun, tuluyan nang nauntog si Kim at nakilala na ang salitang 'self-worth' kaya hiwalay kung hiwalay na at move on-move on na lang kahit napakasakit para sa kanya.


Well, feeling naman namin, dahil sa napaka-sincere at pure heart magmahal ni Kim, darating din ang tamang tao para sa kanya tulad ng best friend niyang si Angelica Panganiban.


So, cheer up, Kim! Sabi nga, there are many fishes in the ocean, 'wag lang sirena ang makuha mo, hehe!


Merry Christmas po pala sa inyong lahat na mga dear Bulgar readers namin!


 

 

Mallari, world-class ang kalidad… 

PIOLO, PANG-BEST ACTOR, JC, PANG-BEST SUPPORTING ACTOR



Mallari - Photo from Elisse Joson


Sulit na sulit ang family bonding namin nu'ng Christmas Day sa panonood ng MMFF entry ng Mentorque Productions, ang Mallari na pinagbibidahan ng ultimate crush naming si Piolo Pascual.


At hindi lang kami basta nakapanood ng movie, nakapagpa-selfie pa kami ng aking anak na si JDEN kay Papa P na personal na nag-iikot sa mga sinehang pinagpapalabasan ng Mallari.


Abot-tenga ang ngiti ni Piolo at kahit siguro maghapon na itong nag-iikot sa iba't ibang sinehan sa buong Metro Manila, ang taas pa rin ng energy niya at in the mood dahil sa magagandang reviews sa Mallari na pinalakpakan sa ending dahil sa pang-world-class na kalidad ng pelikula.


Ang husay ni Papa P sa movie na ito kaya tama ang desisyon niyang piliin lang ang mga pelikulang kanyang gagawin at tama na 'yung mga pakilig movies with a love team na ipaubaya na lang niya sa mga baguhan. 


Dito sa Mallari, naipakita ni Piolo ang pagiging aktor niya at bibilib ka sa husay niyang maiba-iba ang kanyang acting sa tatlong characters na kanyang ginampanan. Hindi lahat ng aktor ay babagayan ng mga characters na ginawa ni Papa P.


Tiyak namang hindi lang kami ang nainggit kina Janella Salvador at Ms. Gloria Diaz na gumaganap bilang girlfriend at ina ng dalawang characters ni Piolo respectively.


Umabot sa apat na beses ang kissing scenes nina Piolo at Janella na bagama't smack lang naman at hindi naman torrid kissing scene, aba'y kainggit much pa rin, ha?! Hahaha! Sana all! Char!


At 'yun nga, maging si former Miss Universe Gloria Diaz ay may lips-to-lips din with Papa P. bilang mag-ina naman na super close sa isa't isa at in fairness, 'di mo talaga hahaluan ng malisya. 


Pareho ring mahusay sina Janella at Ms. Gloria sa kani-kanilang karakter at maging si Elisse Joson na bagama't sa dalawang eksena lang yata um-appear ay nakipagsabayan naman sa galing ni Papa P.


At kung nagkakaisa ang mga press na nakapanood ng Mallari sa pagsasabing malakas ang laban ni Piolo sa pagka-Best Actor, pang-Best Supporting Actor naman si JC Santos na matatapon ang kinakain mong popcorn sa eksena nila ni Janella Salvador. 


Hindi talaga namin napigilang mapasigaw ng "Aaaay!" sa pagkagulat kahit sanay naman kaming manood ng horror at 'di kami matatakutin, ha?


Kudos sa napakahusay na pagkakatahi ni Direk Derick Cabrido sa istorya ng Mallari na tumawid ng tatlong henerasyon, sa maganda at napakalinaw na cinematography, production design at special effects na alam mong talagang ginastusan nang malaki at hindi tinipid at minadali.


Tulad nga ng sinabi namin, pang-world-class ang pelikulang ito ni Piolo Pascual kaya hindi kataka-takang nakumbinse ang Warner Bros. para siyang mag-distribute ng pelikula internationally.


Nakaka-proud bilang isang Pilipino na may ganitong klase tayo ng pelikula na hindi malayong humakot ng mga awards ngayong gabi sa MMFF Awards Night at maging sa iba't ibang award-giving bodies.


Congrats sa lahat ng bumubuo ng Mallari at kay Mr. Bryan Dy na producer ng Mentorque Productions!


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page