top of page
Search
BULGAR

After 10 days... COVID patient na walang sintomas, puwede nang pauwiin

ni Madel Moratillo | June 27, 2020


Batay sa kasunduan ng Pilipinas at ADB, gagamitin ang naturang pondo para sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) o ayuda sa mga mahihirap na pamilyang Pilipinong naapektuhan ng COVID-19.


Binago na ng Department of Health ang kanilang ipinatutupad na protocol sa pag-discharge ng mga pasyenteng nagpositibo sa covid-19 mula sa mga ospital o quarantine facilities.


Ayon kay Health Usec. Ma Rosario Vergeire, ito ay kasunod ng resulta ng mga pag-aaral ng ilang eksperto kung saan natukoy na pagsapit ng ika-10 araw ay hindi na nakakahawa ang covid-19 virus na nasa katawan ng isang indibidwal.


"There’s a findings 2 weeks ago article at evidences sinasabing ang isang pasyenteng confirmed na positive pagdating ng 10th day they are already non infectious. Kaya rekumendasyon ng mga eksperto ‘di mo na kailangang ire-test kasi alam mo na pagdating ng 10 araw ay ‘di na talaga siya makakahawa sa ibang tao. Binago namin protocol because of this evidence," pahayag ni Vergeire.


Dahil dito, mula sa "test based" ay "symptom based" approach na ang paiiralin ng DOH.

Sa ilalim nito, makalipas ang sampung araw at wala ng sintomas ng virus ang isang pasyente ay maaari na itong pauwiin nang hindi na kailangang sumailalim pa sa confirmatory test.


Para naman sa mga asymptomatic, kung makalipas ang 14 na araw ay wala pa rin siyang sintomas ng virus ay maaari na itong pauwiin ng bahay kahit hindi na isailalim pa mula sa covid test.


Aminado ang DOH na ang pagbabagong ito ng protocol ay malaking tulong hindi lang sa pamilya ng pasyente kundi maging sa kasalukuyang health system dahil mabibigyang espasyo na rin sa mga ospital at iba pang quarantine facility ang mga bagong covid patient na kailangang ma-admit.


Sa dating sistema ng DOH, bago makalabas ng ospital kailangang dalawang beses na mag- negative sa covid-19 ng isang pasyente.


Pagkatapos nito, kailangan din niyang sumailalim muli sa isa pang covid test makalipas naman ng 14 na araw na muli nitong pagsailalim sa home quarantine.


Kaugnay nito, sinabi ng DOH na asahan ang mas lalo pang pagtaas ng bilang ng iuulat nilang nakakarekober mula sa covid-19 dito sa bansa.


Maliban dito, naglunsad din ang DOH ng kanilang tinawag na oplan recovery na magsasagawa ng validation sa mga mild covid patient na nag-home quarantine lamang.

Paliwanag ni Vergeire, karamihan sa mga ito ay hindi na na-monitor ng barangay health emergency response team kung gumaling ba o pumanaw na mula sa sakit.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page