ni Lolet Abania | June 25, 2021
Nagsagawa ang Armed Forces of the Philippines ng makabuluhang gun salute sa Camp Aguinaldo ngayong Biyernes nang umaga bilang pagkilala sa yumaong dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.
Mula sa naturang gun salute, ipinagpatuloy ang iba pang programa ng AFP sa buong maghapon. Bandang alas-10:00 ng umaga, ipinahayag ni AFP Chief General Cirilito Sobejana ang kanyang mensahe para sa kanilang dating commander-in-chief na si ex-P-Noy.
Aniya, lahat ng commanders ng subordinate units ay kasabay din nilang nagsasagawa ng parehong ceremony. Binigyang-pugay ni Sobejana ang naging kontribusyon ng Aquino administration sa modernisasyon ng Armed Forces dahil sa patuloy na pagkakaroon ng mga makabagong equipment para sa military.
Samantala, sa isang interview kahapon kay AFP Spokesperson Major General Edgard Arevalo, sinabi nitong eight guns o cannons ang magkakasunod nilang papuputukin simula alas-5:00 ng umaga ngayong Biyernes.
“After the eight round of canon fire, there will be one round of cannon to be fired at 7 o’clock in the morning and then every one hour thereafter. Until the hour of 5, there will be another salvo and another round of eight salvos in succession,” dagdag pa ni Arevalo. Paliwanag nito, ang walong rounds ay sumisimbolo sa walong probinsiya sa Philippine Revolution.
Gayundin, sa libing sa Sabado, sinabi ni Arevalo na bibigyan ng AFP ang dating pangulo ng isang 21-gun salute. Si Aquino ay ihihimlay sa Sabado sa Manila Memorial Park sa Parañaque City, kung saan din nakalibing ang kanyang ama na si dating Senator Benigno "Ninoy" Aquino Jr. at ang kanyang inang si dating Presidente Corazon “Cory” Aquino. Si P-Noy ay naglingkod sa bayan bilang ika-15th pangulo ng Pilipinas simula 2010 hanggang 2016.
Comments