top of page
Search
  • BULGAR

Affected much daw… KIM, 'DI MAKATULOG DAHIL SA GIYERA NG RUSSIA AT UKRAINE

ni Mercy Lejarde - @Showbiz Talkies | March 1, 2022



As of this writing ay wala pang final advice mula sa DOH na totally ay wala na ngang pandemic viruses dito sa ating bayang Pilipinas.


Gayunpaman, marami na rin ang nagmu-move on na at tipong having fun na sa mga music bars, malls at mga nagpupunta sa mga resorts para mag-unwind.


Pero marami rin sa atin ang kinakabahan sa giyera ng Russia at Ukraine at ang latest nga ay binomba ng Russia ang isang barko na nakadaong sa Ukraine na halos karamihan ng sakay ay mga Pinoy.


Ang Kapamilya star na si Kim Chiu ay nag-post sa kanyang Instagram account na she is having sleepless nights dahil sa nangyayaring giyera ngayon sa Russia at Ukraine.


Heto ang post niya just recently… “'Yung napuyat ka kakanood ng videos about Russia and Ukraine. Wala lang, gusto ko lang ma-gets. Now I know… grabe pala. 'La lang, share ko lang.”


Naku, Kim Chiu, please add to your socmed posts na lahat tayong mga Pinoy ay magsipagdasal kay Lord God Jesus Christ na huwag niyang ipahintulot na maging World War III ang digmaan ng Russia at Ukraine at nang hindi masali ang Pilipinas sa kung anuman ang kanilang intention at ipinaglalaban.


Amen!!!

0 comments

コメント


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page