top of page
Search
BULGAR

Ad agency, buking.. Videos sa "Love the Phils.", kuha sa ibang bansa

ni Madel Moratillo | July 3, 2023




Humingi ng paumahin ang DDB Philippines, ang agency na kinuha ng Department of Tourism (DOT) para sa kanilang bagong tourism campaign na "Love the Philippines".


Sa isang pahayag, sinabi ng DDB na inaako nila ang responsibilidad sa pangyayari.


Una rito, kumalat ang ilang online posts na ang ilang video clips na ginamit umano sa Audio Visual Presentation ay mula sa subscription-based stock footage website na hindi kinuha sa Pilipinas.


“The use of foreign stock footage in a campaign promoting the Philippines is highly inappropriate and contradictory to the DOT’s objectives," pahayag ng DDB.


Aminado silang dapat ay nagkaroon umano ng tamang screening at approval process sa mga ginamit na video.


Una rito ipinag-utos ng DOT ang imbestigasyon sa claim ng blogger na si Sass Sasot kung saan sinabi na 5 scenes ang kuha sa ibang bansa gaya ng rice terraces sa Bali, Indonesia; magsasakang naghahagis ng net sa Thailand; pasahero sa eroplano sa Zurich, Switzerland; tumatalon na dolphins; at nagda-drive ng sasakyan sa sand dunes sa Dubai, United Arab Emirates.


Ayon sa DOT, bago ang launching ng bagong slogan, paulit-ulit nilang kinumpirma sa DDB ang originality at ownership ng mga materyales na ginamit.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page