top of page
Search
BULGAR

Action ang labanan… SHOW NI BONG SA GMA-7, ITATAPAT SA BQ NI COCO

ni Ambet Nabus @Let's See | Dec. 15, 2024



Photo: Bong Revilla Jr. at Coco Martin - FB


Bongga ang naging presscon ng Season 3 ng Walang Matigas na Pulis sa Matinik na Misis (WMNPSMNM) na ginanap sa Novotel Hotel, Cubao kahapon.


Umapaw ang mga papremyo ni Sen. Bong Revilla, Jr. kasama ang cast members ng action-packed sitcom gaya nina Beauty Gonzalez, Carmi Martin, Leo Martinez, Niño Muhlach, Jestoni Alarcon at marami pang iba.


Tinalbugan pa nga ang presscon ng ilang production outfits na may entries sa 50th Metro Manila Film Festival (MMFF). Akala tuloy ng mga ibang bisita ng hotel ay may entry si Sen. Bong sa MMFF, hahaha!


But kidding aside, hanep ang ipinakitang trailer ng Season 3 dahil aksiyon kung aksiyon talaga na tatak naman ng isang Bong Revilla. Nagkakaisa nga ang lahat sa pagsasabing para na itong isang big-budgeted movie.


At dahil tuwing Linggo lang ito mapapanood sa GMA-7, tatagal ang Season 3 ng WMNPSMNM hanggang February 4 lang, dahil magsi-seek nga ng re-election si Sen. Bong.


No wonder at this early ay binabanggit na ni Ma’am Annette Gozon na nakahanda na ang Season 4 after ng elections at malamang sa malamang na gawin na raw nila itong daily sa primetime slot ng Kapuso Network.


If that happens, aba, aba, magandang usapan ‘yan sa namamayagpag na Batang Quiapo (BQ) ni Coco Martin.


 

Sana nga ay maghimala ang mga binitawang salita ni Kakki Teodoro, isang kilalang stage artist na magre-reprise ng role ni Gigi Duenas sa Himala: Isang Musikal.

Ito nga ang bukod-tanging musical movie entry sa 50th anniversary ng Metro Manila Film Festival (MMFF) come December 25.


Naging award-winning film ito noong 1982 sa same MMFF event during the time na namamayagpag pa si Superstar Nora Aunor. In fact, tatlong malalaking parte ng movie na ‘yan ang ngayo’y National Artists na namely Nora, Ricky Lee (scriptwriter) at Ishmael Bernal (director).


And after 42 years nga, ginawa na itong musical film headed by Aicelle Santos (as Elsa), Bituin Escalante (as Aling Saling), Neomi Gonzales (as Chayong) at si Kakki nga as Nimia.

Nag-win ng Best Supporting Actress si Gigi Duenas sa 1982 film at umaasa (yes, umaasa) si Kakki na makukuha rin niya ito this 2024.


“Napakaipokrito ko naman kung hindi ko aasahan, ‘noh? Sa ilang beses ba naman akong na-reject sa audition para sa role hanggang sa makuha ko, deserve ko na manalo, ‘noh?” ang seryoso pang tsika sa amin ni Kakki.


Si Pepe Diokno ang director ng movie na siya ring naging director ng award-winning movie na Gomburza last year.


Tunay namang matindi talaga ang labanan at banggaan ng mga entries this 2024. May nakakaloka lang na katotohanan kaming nakalkal tungkol sa naging box-office performance ng Himala noong ito’y naging entry sa 1982 MMFF. Isa ito sa mga nangulelat na entries, kaya noon ay binansagan si Nora Aunor na ‘wala ngang himala’.


Sana naman after 42 years ay maiba na ang sitwasyon, lalo’t isa nang malaki, malawak at pinanonood na sektor ang teatro at mga artista rito.


 

Michael Buble, malaking bagay daw na mentor niya… SOFRONIO, TALUNAN SA SINGING CONTEST SA ‘PINAS, BIG WINNER SA USA



Ngayong nakabawi na nga ang USA sa mga Fil-Am-Fil-foreign at mga Pinoy na noon pa umaasang magkaroon ng big winner sa mga singing searches nila gaya ng American Idol (AI), America’s Got Talent (AGT) at The Voice (TV), marami na uli ang naniniwala at nagmamahal sa Amerika, hahaha!


Kasi, pinatunayan nga raw ng bansang laganap ang ‘racism’ na marunong silang kumilala ng talent, kaya’t mereseng hindi nila ito 100% kalahi, ibinoboto nila ito.

At ‘yan ang klasikong pinatunayan ni Sofronio Vasquez, ang first-ever Pinoy and Asian na itinanghal sa 26th season ng TV show bilang grand champion.


Very deserving at malaking bagay na si Coach Michael Bublé ang naging mentor niya na tunay namang inalagaan, sinuportahan at minahal siya simula pa sa umpisa.


The fact is, mas challenging pa nga raw ang mga naging laban ni Sofronio rito sa Pilipinas kumpara sa The Voice USA. Dito nga’y hindi siya naging biggest winner at may mga pagkakataon pang naliligwak siya o hindi pinapansin.


Naku, tiyak na dadagsain ng mga offers at maraming opportunities si Sofronio. Malamang sa malamang pa na mas maging sikat na sikat siya sa buong mundo dahil dito. 


Kaya ‘yung mga naiinggit d’yan, magsilbi nawang inspirasyon sa inyo ang tagumpay ni Sofronio Vasquez.

Mabuhay!




0 comments

Commentaires


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page