ni Lolet Abania | November 24, 2022
Isang construction worker ang nasawi matapos na sumabog ang isang acetylene tank na ginagamit umano nito na pamutol ng bakal sa ginagawang parking space sa Trece Martires, Cavite.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Eddie Boy Villar na dead-on-the spot sa nangyari habang nasugatan ang tatlo pa niyang kasamahan.
Batay sa report, naganap ang insidente sa Barangay Gregorio, Trece Martires City, kung saan gumagawa ang mga biktima ng isang parking area.
Sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, hindi umano na-regulate ang naging buga ng gas sa ginamit nilang LPG tank para sa acetylene kaya bigla itong sumabog.
Sa lakas ng pagsabog, nabasag pa ang mga salamin ng katabing command center building sa naturang lugar at isa pang gusali.
Patuloy naman ang pagsisiyasat ng mga awtoridad sa nangyari.
Comments