top of page
Search

Accredited laboratories para sa COVID-19 testing sa ‘Pinas, 89 na

BULGAR

ni Thea Janica Teh - | July 20, 2020




Mayroon ng kabuuang 89 laboratories sa buong Pilipinas na lisensyadong magsagawa ng independent testing para sa COVID-19. Ito ay matapos makakuha ng accreditation ang apat pa mula sa Department of Health (DOH).


Sa daily report ng DOH, sinabing mayroon ng 67 accredited polymerase chain reaction (PCR) facility at 22 GeneXpert laboratory ang Pilipinas.


Ang bagong accredited ng DOH ay ang Philippine Children’s Medical Center, Mary Mediatrix Medical Center, Philippine Red Cross Cebu Charter at University of Cebu Medical Center.


Sa ngayon ay mayroon pang 180 laboratories ang sumasailalim sa five-step accreditation process. 160 rito o 89% nito ay nasa stage 3 pataas na.


As of July 18, nakapag-test na ng 1,058,764 katao ang mga lisensyadong laboratory at 89,387 dito ay nagpositibo sa test. Ito ay may rate na 8.4%.


Samantala, kayang i-test ng bawat accredited laboratory sa bansa ang halos 22,579 sample sa isang araw. 17,501 dito ang nagpositibo sa COVID-19 at may weekly positivity rate na 11.7%.

0 comments

Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page