top of page
Search
BULGAR

Access sa bakuna, gawing simple at madali

ni Nancy Binay - @Be Nice Tayo | August 21, 2022


Pagkatapos ng mahigit dalawang taon ng pag-iingat, nalulungkot tayong ipaalam na nitong mga nakaraang araw ay nag-positive ang inyong lingkod sa antigen test para sa COVID-19.


Kasalukuyan akong nasa isolation upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Hinihiling ko ang panalangin ninyo para sa aking pamilya at para na rin sa mga kapwa ko Senador na nagkasakit din, para sa aming tuluyang paggaling.


Ngunit asahan ninyong hindi man personal na makadadalo sa mga hearing at session sa Senado, tututukan pa rin natin ang mga responsibilidad, salamat na rin sa teknolohiya.


☻☻☻


Sasamantalahin ko ang pagkakataong ito na himukin ang ating mga kababayan, lalo na sa mga nasa Metro Manila, na patuloy na mag-ingat sa gitna ng banta ng COVID-19.


Kasalukuyan tayong nasa COVID-19 surge at bagama’t ayon sa OCTA Research ay patuloy na bumababa ang positivity rate sa Metro Manila simula noong unang linggo ng August, ibayong pag-iingat pa rin ang kinakailangan. Ito ay dahil kailangan daw na sunud-sunod ang pagbaba ng weekly positivity rate para maging tiyak na naabot na nga ang peak ng surge.


Ayon sa OCTA, mula 17.3 percent noong August 7 ay bumaba sa 16.1 percent sa August 14 ang 7-day positivity rate ng Metro Manila.


☻☻☻


Nakikiusap din tayo na lalo pang paigtingin ang vaccination efforts kontra COVID-19.

Magbabalik-eskwela na tayo sa August 22 at lalong lalaki ang tyansa na mahawaan ng COVID-19 dahil sa dumarami rin ang nakakasalamuha natin.


Mabisa ang bakuna sa pagpapahina ng sintomas na maaaring maranasan at lalo na para maiwasan ang pagkaka-ospital dahil sa virus.


Kung kaya, nananawagan tayo sa pamahalaan na lalo pang paigtingin ang paghikayat sa mga kababayan natin na magpabakuna at lalong padaliin ang access para rito.


Kailangan ring lalo pang palakasin ang pagpapatupad ng mga minimum health and safety protocols upang aktibo nating naaaksyunan ang pagpapababa ng kaso ng impeksyon.


Nawa’y sa lalong madaling panahon ay makaraos tayo sa panibagong pagsubok na ito.

 

Kung mayroon kayong nais idulog o ipaabot sa inyong abang lingkod, maaari kayong sumulat sa BE NICE TAYO ni Sen. Nancy Binay, BULGAR Bldg., 538 Quezon Ave., Quezon City o mag-email sa benicetayo.gmail.com.


Paalala lamang na sana ay isama ninyo sa inyong mga liham ang inyong contact number upang mas madali namin kayong mapaglingkuran. Always Be Nice! FOLLOW US!  Facebook: www.facebook.com/SenatorNancyBinay Twitter: www.twitter.com/SenatorBinay @SenatorBinay Instagram: @SenatorNancyBinay

0 comments

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page