top of page
Search
BULGAR

ABS CBN Xmas I.D. station song wagi sa madlang Pipol

ni Mercy Lejarde @Showbiz Talkies | December 5, 2023



Ramdam na ng mga netizen ang diwa ng Pasko at pagkakaisa dahil sa Christmas Station ID ng ABS-CBN na Pasko Ang Pinakamagandang Kwento tampok ang GMA Network, TV5, at A2Z sa makasaysayang music video nito na ipinalabas noong Biyernes (Disyembre 1).


Nagpahayag ng tuwa ang mga netizens dahil sa pagsama sa mga Kapuso, Kapatid at A2Z employees sa music video. Nakita rin sa music video ang iba pang partner media companies na Viu, Prime Video, at PIE Channel.


Agad na nag-trending sa X (dating Twitter) ang star-studded music video, na nakakuha ng mahigit 1 milyong views sa Facebook at YouTube, habang pinupuri ng mga netizen ang mensahe ng music video, kung saan ay naka-relate rin sila, tungkol sa iba't ibang kuwento at hamon na kinakaharap ng bawat isa sa atin at kung paano tayo pinagbuklod ng pinakamagandang kuwento ng ating Pasko.


“This song centralizes the birth of Jesus and how Christmas is a very great story for everyone. Sa kabila man ng mga challenges, ipadama pa rin ang diwa ng Pasko. All the best, ABS-CBN!” sabi ng netizen na si @convowithcharles.


Pasko Ang Pinakamagandang Kwento was written by ABS-CBN Creative Communication Management head Robert Labayen, while ABS-CBN Music creative director Jonathan Manalo composed the music.


Inaanyayahan din ang lahat na makiisa sa #KwentongPasko campaign. Ikuwento ang iyong pinakamagandang kuwento ng Pasko sa TikTok, gamit ang template at musika ng Christmas Station ID, at sa Facebook at Instagram, gamit ang feature na “Add Yours.”


Panoorin ang Pasko Ang Pinakamagandang Kwento music video sa ABS-CBN Entertainment Facebook page and ABS-CBN YouTube Channel.



0 comments

Opmerkingen


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page