top of page
Search

ABS-CBN, nilayasan noon, balik-It's Showtime ngayon… NETIZENS KAY POKWANG: KAPALMUKS, BALIMBING!

BULGAR

ni Beth Gelena @Bulgary Files | July 4, 2023



Ibinahagi ni Pokwang ang muli nilang pagtatagpo ng kanyang mga bosses noon sa ABS-CBN nu’ng umere na ang pilot episode ng It’s Showtime sa GTV Channel ng GMA-7.


Ipinost ng komedyanang aktres sa kanyang Instagram ang mga larawan na makikitang kasama niya ang mga dating bossing sa Kapamilya Network.


Ang inilagay na caption ni Pokwang sa naturang IG post: “'Yung mga bosses ko sa @abscbn na ‘di naman nagbago sa akin.”


Bukod doon, super happy din ang komedyanang aktres na naging parte siya ng unang episode ng Kapamilya noontime show na It’s Showtime sa Kapuso Network.


“Para sa madlang pipol,” ani Pokwang.


Matatandaan na ang ABS-CBN ang tumayong home network ng komedyanang aktres sa loob ng 15 years. Pero noong 2020, napagdesisyunan na niyang lisanin ito dahil sa pagkawala ng prangkisa ng nasabing network.


Halu-halo ang mga komentong nabasa namin mula sa mga netizens tungkol sa reunion ni Pokwang kasama ang mga Kapamilya Network bosses…


“Ganyan ang dapat nating gawin ang TUMANAW NG UTANG N LOOB, SA MGA TAONG NAKATULONG SA ATIN.”


“You are so blessed, kaya alisin mo na ang hate sa puso mo para lalo kang pagpalain.”


‘Di naman makalimutan ng netizen ang ginawang pag-iwan ni Pokwang sa Kapamilya Network noon, “Dapat ‘di ka na tumapak sa ABS-CBN! ‘Di ba iniwan mo sila? ‘Di mo deserve na pumunta diyan, balimbing!”

“Umalis ka na sa ABS-CBN, ‘di ba? Tapos ngayon nandiyan ka naman?! Ang kappal mo, Pokwang! User ka talaga!”


“I understand you po, Miss Pokwang. They don’t need to change (ABS-CBN bosses) kasi nanay ka po. Need mo na magtrabaho para may panggastos ka sa pang-araw-araw at mabigyan ng suweldo ang mga katulong mo po (if meron ka).”


Payo naman ng isang commenter, “Kaya nga importante ‘yung pag umalis ka sa bakuran ng nangalaga sa ‘yo, matutong magpaalam nang maayos, umalis nang maayos at higit sa lahat, magpasalamat para ayos lang ang lahat...”


Araaaaay! ‘Yun na nga!


0 comments

ความคิดเห็น


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page