top of page
Search
BULGAR

ABS-CBN, kaya nilayasan… IBINULGAR NI WILLIE: JOHN LLOYD, NABURYONG SA SHOWBIZ

Erlinda Rapadas - @Teka Nga! | May 22, 2021




Ayon na rin sa Wowowin host na si Willie Revillame, napagod at na-burn-out daw si John Lloyd Cruz kaya nag-semi-retire at nagpahinga sa kanyang showbiz career.


Nagkaroon ng pagkakataong magkausap sina Willie at JLC nang mamasyal ang aktor sa rest house ni Revillame sa Puerto Galera kasama sina Edgar Mortiz, Malou Santos at Direk Cathy Garcia-Molina.


Mukhang pinaplano na nila ang reunion movie nina Bea at JLC at dito nga natanong ni Willie si Lloydie kung ano'ng dahilan at iniwan niya noon ang kanyang career habang nasa gitna siya ng kasikatan.


Napagod at na-burn-out daw si John Lloyd dahil sa araw-araw ay routine na ng buhay niya ang mag-shooting, matulog, magteyping at mag-shooting ulit.


Halos hindi na siya nakakapagpahinga at hindi na namumuhay nang normal na tulad ng iba.


Kaya, nagdesisyon siyang iwanan-talikuran ang kanyang career kahit na may existing pa siyang sitcom sa ABS-CBN.


Sa nasabing sitcom sila nagkakilala ni Ellen Adarna at nagkaroon ng relasyon. Tinakasan nila ni Ellen ang mundo ng showbiz at umuwi sila sa bayan nina Ellen sa Cebu para ru'n na manirahan.


Nagbuntis si Ellen at isinilang si Elias Modesto. Pero, ilang buwan matapos makapanganak ay nagkalabuan na sina Ellen at JLC at nauwi sa paghihiwalay.


Ganunpaman, maayos naman ang naging usapan nila tungkol sa kanilang anak na si Elias Modesto. Nadadalaw-nahihiram ni Lloydie si Elias kaya kilala siya ng kanyang anak.


Mahal na mahal ni JLC ang anak. Ito raw ang dahilan kaya niya inaayos ang kanyang buhay ngayon. At kahit na nakahanap na si Ellen ng bagong pag-ibig, hindi pinagsisihan ni John Lloyd na nagkarelasyon sila ng aktres dahil binigyan naman siya ng isang cute at poging anak.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page