ni Lolet Abania | January 12, 2022
Nagpositibo muli sa test sa COVID-19 si Abra Representative Joseph Sto. Niño “JB” Bernos.
Sa isang statement na ipinadala niya sa mga reporters, sinabi ni Bernos na fully vaccinated na siya at natanggap na rin niya ang kanyang booster shot.
Subalit aniya, nakakaranas lamang siya ng mild COVID-19 symptoms.
“As advised by my doctors, I am currently undergoing home quarantine, isolated from the rest of my family who, by the grace of God, have all tested negative,” sabi ni Bernos.
Humingi naman ng dasal si Bernos para sa kanyang agarang recovery gayundin, sa mga tinamaan ng COVID-19.
Hinimok din niya ang publiko na patuloy na sumunod sa itinakdang minimum health standards at magpabakuna na kontra-COVID-19.
Matatandaang noong Marso 2021, tinamaan si Bernos ng COVID-19, kung saan siya ay asymptomatic nang panahong iyon.
Comentarios