top of page
Search
BULGAR

Abot-kayang bigas, mabibili na rin

ni Ryan Sison @Boses | Jan. 3, 2025



Boses by Ryan Sison

Good news para sa lahat ang pagpasok ng panibagong taon.


Kinumpirma ng National Irrigation Administration (NIA) na sisimulan na nila ang pagbebenta ng murang bigas sa darating na Biyernes, January 10, 2025, kung saan muling magbubukas ang Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) Rice store sa KADIWA ng Pangulo sa central office ng kagawaran.


Ayon sa NIA, ito ay para bigyang-daan ang pagsasagawa ng stock inventory ng mga bigas.


Sa ilalim ng BBM Rice program, patuloy na nag-aalok ang kagawaran ng murang bigas na P29 kada kilo.


Prayoridad pa rin ang mga senior citizen, solo parents, persons with special needs, at mga benepisyaryo ng 4Ps.


Kaugnay nito, nasa mahigit isang milyong kilo ng bigas ang nakatakdang ibenta nito sa nasabing panahon.


Mabuti naman at matutupad na rin ang sinasabi ng pamahalaan na makakabili na ng abot-kaya bigas ang mga mamamayan. 


Malaking tulong para sa mga kababayan ang makakuha ng murang bigas sa gitna ng nagtataasan na presyo ng mga bilihin at bayarin, gayundin marahil sa mga magsasaka.   


Batid ng lahat na napakahalaga ng bigas na ating isinasaing na siyang pangunahing pagkain at inihahain natin sa hapag-kainan. 


Kaya naman kung mura na ang ibinebentang bigas, mas marami na ang makakabili nito habang hindi magtatagal ay mababawasan na rin ang mga kababayan nating nakakaranas ng gutom.


Hiling lang natin sa kinauukulan na hindi lamang ito ang simula, bagkus walang humpay ang gawin nilang pagsuporta at pag-agapay sa mga mahihirap na kababayan habang patuloy na magpatupad ng mga magagandang programa para sa ikauunlad ng lahat.


 

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com

Comentários


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page