ni Angela Fernando - Trainee @News | December 24, 2023
Dumating na sa 'Pinas ang abo ng Pinoy caregiver na namatay sa nangyaring pag-atake ng Hamas sa Israel nu'ng Oktubre.
Lumapag ang abo ng kinilalang si Paul Vincent Santiago na nasa urna nitong hapon ng Sabado na sinalubong ng ina nitong si Tessie Santiago sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 3.
Bitbit ng asawa ni Vincent na si Jovelle Santiago, isang overseas Filipino worker (OFW), ang urna ng mister at dala-dala ang kanilang isang buwang gulang na anak na si Jhayzen.
Kabilang si Paul sa apat na OFW na nasawi sa digmaang Hamas group at Israel na nagsimula nu'ng Oktubre 7.
Kommentare