top of page
Search
BULGAR

Aberya sa Gcash, talupan!

ni Imee Marcos @Imeesolusyon | May 11, 2023


Marami ang nangamba nitong mga nakaraang araw matapos ang biglaang aberya sa application ng GCash.

Eh, sino ba naman ang hindi matatakot na biglaang nabawasan ang kanilang mga pera sa E-wallet na ito, santisima! Habang ‘yung iba ay hindi na nila ma-access ang kanilang account.


Juskoday!

‘Yan na ang sinasabi ko noong una pa lang na sampol ng limitasyon ng Artificial Intelligence o AI. Anyare ba r’yan sa GCash? Marami ang nag-iisip na na-hack! Hindi sapat ang sorry ng GCash-XChange Incorporated sa glitch na nangyari kamakailan.

Lalong-lalo na kailangan nating malaman ang panig ng EastWest Bank, paano at bakit nalipat ang pera ng mga GCash subscribers sa kanila? Ano’ng madyik ang nangyari?


Naku, ha!

Kailangan ng 81 million registered GCash users ang kasiguruhan na safe ang kanilang inilalagay na pera r’yan! Abah, eh, halos lahat ay nagre-rely ngayon sa mga E-wallet ha!

Tiwala ng milyun-milyong GCash users ang nakasalalay dito, kinakailangang IMEEsolusyon d’yan at maipaliwanag kung ano ang nangyaring aberya na ito kung hindi na-hack, para makapaglatag ng tamang IMEEsolusyon, ‘di bah?

IMEEsolusyon din na maimbestigahan itong mabuti at makapaglatag ng mas mahihigpit na safeguard para hindi na ito maulit pa!

Payo ko naman at IMEEsolusyon sa netizens, para sure kayo at habang wala pang naisasaayos na mas mahigpit na safeguards, ‘wag maglagay ng masyadong malaking pera r’yan. ‘Yung sakto lang. Kailangan pa rin nating maging sigurista, hindi basta-basta napupulot ang pera.


Agree?



0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page