Abandonadong sanggol natagpuang patay sa Muntinlupa City
- BULGAR
- Nov 8, 2021
- 1 min read
ni Jasmin Joy Evangelista | November 8, 2021

Nadiskubre ang walang-buhay na sanggol sa isang bag sa gilid ng mall sa Brgy. Alabang, Muntinlupa City nitong Linggo.
Batay sa report ng barangay, iniwan ang bag sa kanto ng Purok 5 na nasa gilid ng isang mall.
Agad na ipinasuri ang sanggol pagkaresponde ng barangay at pulisya.
Matapos matiyak na hindi na ito maisasalba pa, dinala ang katawan sa simbahan para pabasbasan sa pari at ipalibing sa sementeryo.
Patuloy pang iniimbestigahan ang pangyayari.
Comments