ni Zel Fernandez | May 1, 2022
Nasabat ng mga awtoridad ang mga smuggled na sigarilyo sa Maria Clara Lorenzo Lobregat (MCLL) Highway, Culianan, Zamboanga City, bandang ala-1:00 ng madaling-araw.
Batay sa ulat, tinatayang aabot sa P14-M ang halaga ng humigit-kumulang 400 master cases ng mga smuggled na sigarilyo, lulan ng isang ten-wheeler truck, na nakumpiska ng pulisya sa lungsod katuwang ang iba’t ibang security forces.
Kaugnay nito, arestado ang dalawang suspek na kinilalang sina Jose Dichoso Goodwill, 45-anyos, drayber ng truck at ang pahinante nitong si Ryan Jalis Comidoy.
Kasunod nito ay nai-turnover na sa Bureau of Customs (BOC) ang mga nakumpiskang kontrabando, maging ang sasakyan na ginamit sa pagbiyahe ng mga smuggled na sigarilyo.
Samantala, hawak na ng pulisya ang drayber at pahinante nito na kapwa mahaharap sa mga kaukulang kaso.
Comments