ni Lolet Abania | January 3, 2021
Umabot sa kabuuang 9,158 indibidwal o 2,409 pamilya ang apektado ng mga pagbaha at landslides dahil sa tail-end ng isang frontal system, ayon sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong Linggo.
Mula sa 70 barangay sa MIMAROPA, Region V at Region VI ang labis na naapektuhang residente.
Sa kabuuang bilang nito, 2,067 indibidwal o 562 pamilya ang nananatili sa 13 evacuation centers,
habang 1,224 indibidwal naman o 450 pamilya ang piniling manatili na lamang sa kanilang mga kamag-anak.
Una rito, naitalang dalawa ang namatay at apat ang nawawala na nanggaling sa Region V.
Ayon sa NDRRMC, 30 insidente ng pagbaha ang nai-report mula sa Region II (Cagayan), MIMAROPA (Palawan at Oriental Mindoro), Region V (Camarines Sur, Sorsogon) at Region VI (Capiz).
Comments