ni Lolet Abania | September 3, 2021
Nagtalaga ang Bureau of Immigration (BI) ng 99 bagong immigration officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kaugnay ng layunin ng ahensiyang dagdagan ang kanilang manpower para sa pangunahing gateway ng bansa.
Ayon kay BI Port Operations Division Chief Carlos Capulong ngayong Biyernes, ang mga bagong deploy na empleyado ay nagsimula nang mag-report sa trabaho sa tatlong terminal ng NAIA noong nakaraang linggo.
Kada linggo, ang mga immigration inspectors ay magpapalitan ng kanilang shift assignments na aniya, “So that they can experience the challenges and grasp the enormity of their roles and responsibilities as border control officers of our country.
“We believe that as more and more Filipinos are vaccinated, this pandemic will soon be a thing of the past and there will be an influx of international travelers into our country. Thus, this early we are already preparing and bracing for this eventuality,” sabi pa ni Capulong.
Paalala naman ni BI Commissioner Jaime Morente sa mga bagong empleyado na bukod sa trabahong pigilan ang pagpasok ng mga undesirable aliens, kailangan din nilang tingnan kung may mga mahihirap na Pilipinong posibleng nabibiktima ng human traffickers na nagre-recruit at tinatangkang ipadala sila abroad.
Ayon pa sa BI, ang mga bagong immigration officers ay dumaan at nakakumpleto ng kanilang three-month training para sa immigration laws, mga panuntunan at pamamaraan o patakaran bago ang kanilang deployment.
Sinabi ni Morente na isa pang batch ng immigration officers ang inaasahang magga-graduate bago matapos ang taon.
Comments