top of page
Search

971 miyembro ng tricycle at jeepney operator at driver sa Valenzuela...

BULGAR

Nabigyan ng ayuda ng Tzu Chi Foundation

ni Thea Janica Teh - @Bulgarific | November 28, 2020




Hello, Bulgarians! Sa pagpapatuloy ng pagtulong at pagbibigay ng inspirasyon sa mga tao, minabuti ng Philippine chapter of the Buddhist Compassion Relief Tzu Chi Foundation na mamahagi ng bigas at grocery items sa halos 971 miyembro ng 4 na tricycle at jeepney operator at driver associations sa Valenzuela City noong Nobyembre 22, 2020.


Kabilang sa mga nabigyan ng bigas at grocery items ay 258 jeepney drivers mula sa Karuhatan – Gen. T. de Leon - Ugong Jeepney Operators and Drivers Association (KARTUJODA), 240 jeepney drivers mula sa Malinta – Valenzuela – Novaliches Operators and Drivers Association, Inc. (MAVANODA) at Malinta – Caloocan – Novaliches Jeepney Operators and Drivers Association, Inc. (MACANOJODA).


Samantala, 268 tricycle drivers naman mula sa Veinte Reales – Lingunan Tricycle Operators and Drivers Association (VRLTODA) at 205 tricycle drivers mula sa Canumay West Tricycle Operators and Drivers Association (CAWETODA) ang nabigyan din ng donasyon.


Nilalaman ng dalawang 10 kilo ng bigas, spaghetti sauce, pasta noodles, cooking oil, iodized rock salt, raw sugar, condensed milk, multi-grain instant mix, cane vinegar, soy sauce, toothpaste, toothbrush at detergent bar ang natanggap ng bawat driver at operator.


Nakatanggap din ang mga ito ng mga “new normal essentials” tulad ng face mask at face shield sa Mid-Year Relief Operations na ginanap sa Amphitheater ng Valenzuela City People’s Park.


Sa pangunguna ng ilang staff ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Engineering Office, Sidewalk Clearing Operations Group (SCOG), Bantay Bayan at Valenzuela People’s Park na in-assist ng Tzu Chi volunteers, napanatili nito at naobserba ang physical distancing habang pinapamigay ang mga donasyon.


Ang Tzu Foundation ay isang international non-profit humanitarian organization na itinatag sa Taiwan ni Dharma Master Cheng Yen noonh 1966.


Bukod sa Valenzuela City, namigay na rin ito ng relief goods sa Antipolo, Marikina at Mandaluyong.


Samantala, upang makatulong sa lahat ng tricycle driver na lubos na naapektuhan ng pandemya, inaprubahan ng pamahalaang lokal ng Valenzuela ang Ordinance No. 710, Series of 2020 o “Pasabuy sa TODA Ordinance,” na naglalayong makapagbigay ng trabaho sa mga ito sa pamamagitan ng online delivery service kasama ang JoyRide, Happy Move PH at Food Panda Philippines, Incorporated.

0 comments

Recent Posts

See All

Kommentarer


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page