top of page
Search
BULGAR

92% ng mga Pinoy, umaasang gaganda ang buhay sa 2024

ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 22, 2023




Nananatiling optimistiko ang 92% ng mga Pilipino sa kabila ng mga pagsubok araw-araw, ayon sa isang survey ng Pulse Asia, na nagsasabi na haharapin nila ang bagong taon nang may pag-asa.


“This is the prevailing sentiment in every geographic area and socio-economic grouping (84 percent to 95 percent and 90 percent to 92 percent, respectively),” sabi ng Pulse Asia sa ulat na inilabas ngayong Biyernes.


Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng face-to-face interview sa 1,200 na respondente, na isinagawa sa buong bansa mula Disyembre 3 hanggang 7.


“Only 1 percent will face 2024 without hope, while 7 percent are ambivalent on the matter. These figures do not differ significantly from those recorded by Pulse Asia Research in November 2022,” saad pa nito.


0 comments

Σχόλια


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page