ni Lolet Abania | October 17, 2021
Nagresulta ang isinagawang community trials ng virgin coconut oil (VCO) bilang adjunct treatment o karagdagang panggamot para sa mild COVID-19 cases, kung saan nagpakita rin ito ng significant reduction o matinding pagbawas sa coronavirus count mula sa mga pasyenteng nakabilang sa pag-aaral.
Sa isang panayam kay Department of Science and Technology Undersecretary (DOST) Rowena Guevarra, sinabi nitong lumabas sa trials na isinagawa sa isang facility sa Sta. Rosa, Laguna na napababa ng VCO ng 60 hanggang 90 porsiyento ang virus count para sa mga mild cases ng COVID-19.
“Nakita na napababa ang amount ng virus ng 60 hanggang 90% sa mild cases, and this is consistent with the community trials natin,” ani Guevarra.
Ayon pa sa opisyal, ang trials ay isinagawa na rin sa mga komunidad sa mga lungsod ng Valenzuela at Mandaluyong.
“Nakita natin sa community trials na umiikli ng about five days ‘yung paggaling ng mga pasyente,” sabi ni Guevarra.
“As with the clinical trial, which is done by the Philippine General Hospital (PGH) on mild and severe cases, the results are still being analyzed and by the end of October or early November, we will be able to report to the public the results of the trial,” dagdag pa ni kalihim.
Comments