9 patay sa Delta variant ng COVID-19
- BULGAR
- Aug 2, 2021
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 2, 2021

Pumalo na sa siyam ang nasawi sanhi ng mas nakahahawang Delta COVID-19 variant matapos na maitala ng Department of Health (DOH) ang isang dagdag na namatay dahil sa virus.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, ang bagong nasawi ay isang local case. Wala namang iba pang binanggit na detalye ang kalihim. Samantala, sa 216 Delta cases na nai-record sa ngayon, 17 dito ay nananatiling active.
Sa 17 active cases, 15 ay local at 2 ay returning overseas Filipinos (ROFs). Nakarekober naman ang ibang 190 cases mula sa COVID-19. Pahayag pa ni Vergeire, ang 165 Delta cases ay local, 48 ay ROFs, at 3 kaso ay bineberipika pa.
Suportado naman ng DOH ang naging statement ng United States Centers for Disease Control and Prevention na maaaring ihalintulad ang transmissibility ng Delta variant sa chickenpox. “Yes we agree to that and nasa ebidensiya naman po talaga na ang Delta variant is highly transmissible compared to the UK variant,” ani Vergeire sa briefing.
Gayunman, ang Metro Manila ay isasailalim na sa mahigpit na lockdown classification mula Agosto 6 hanggang 20 upang mapigilan ang pagkalat pa ng mas nakahahawang variant.
Comments