ni Mars Santos | Pebrero 7, 2023
Nagbabala ang Foreign Policy Analyst na si Sass Rogando Sasot na posibleng maging target ng China ang Pilipinas kung matutuloy ang pagbibigay ng karagdagan pang access sa militar ng Amerika sa teritoryo ng Pilipinas.
Ayon kay Sasot, kung itutok ng China ang missile arsenal nito sa mga lokasyon kung nasaan ang puwersa ng Estados Unidos, tiyak damay ang Pilipinas.
“So crudely speaking, we are another target for China in order to exhaust its missile arsenal. So, can President Marcos, Jr. tell us how many of us will die? How our economy would look like after the dust settled? How are we going to rebuild this republic?” ani Sasot sa Pandesal Forum sa Kamuning Bakery Cafe sa Quezon City.
Giit pa ni Sasot kay Marcos, hindi lang sa ekonomiya ito puwedeng magdulot ng matinding epekto kundi maging sa maraming buhay na maaaring mawala.
Ani Sasot, hindi Amerika o China ang pagpipilian dito kundi ang pagiging tau-tauhan o panindigan ang soberenya.
“Aren’t we supposed to be having a public debate whether this is the future we want to have for our country? Does President Marcos, Jr. have the guts to stand up to the United States of America and say ‘no’, I will not allow the Philippines to be used in your war? Shouldn’t Congress be intervening about this? The choice is not between China or the United States, but between being a pawn and being a sovereign,” dagdag pa ni Sasot.
Apela niya kay P-BBM, maging bayani at panindigan ang para sa kabutihan ng mamamayang Pilipino.
“Heroes are often those who emerged triumphant after a tragedy. But the greater hero is the one who prevented a tragedy from happening in the first place. Mr. President Ferdinand Marcos, Jr. be that hero for our country. Huwag ka nang magpaka-tuta,” pagtatapos ni Sasot.
Matatandaan na upang lalong mapaigting ang pagpapatupad ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) ay nagkasundo ang Pilipinas at Estados Unidos na magtatag ng apat na military base ng sundalong Kano sa bansa.
Kasalukuyang may limang Philippine military bases sa ilalim ng EDCA, kabilang na rito ang Benito Ebuen Air Base sa Cebu, Lumbia Airport sa Cagayan de Oro, Fort Magsaysay sa Nueva Ecijia, Antonio Bautista Air Base sa Palawan at Basa Air Base sa Pampanga.
Comments