top of page
Search

9 kandidato para sa SC associate justice, inendorso ng JBC

BULGAR

ni Lolet Abania | June 18, 2021




Siyam na kandidato ang inendorso ng Judicial and Bar Council (JBC) kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa posisyon ng Supreme Court associate justice ngayong Biyernes.


Ang mga ito ay sina Sandiganbayan Presiding Justice Amparo Cabotaje Tang; Sandiganbayan Associate Justice Geraldine Faith Econg; Sandiganbayan Associate Justice Rafael Lagos; Court of Appeals Associate Justice Ramon Cruz; CA Associate Justice Japar Dimaampao; CA Associate Justice Maria Filomena Singh; Court Administrator Midas Marquez; Deputy Court Administrator Raul Villanueva; at dating Ateneo de Manila University School of Law dean Sedfrey Candelaria.


Sa inisyal na report, may 15 indibidwal na nagnanais sa puwestong binakante ni Alexander Gesmundo matapos ang kanyang appointment bilang chief justice noong April.


Anim sa kanila ang nakibahagi sa public interviews na isinagawa ng JBC nito lamang buwan. Mayroon namang 90 araw si Pangulong Duterte na mag-appoint ng bagong SC justice simula nu'ng nabakante ang puwesto o hanggang July. Samantala, sinimulan na ng JBC ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa posisyon na babakantehin ni SC Associate Justice Edgardo delos Santos sa June 30 dahil sa kanyang kalusugan.



Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page