ni Lolet Abania | September 26, 2022
Siyam na mga lansangan sa Luzon ang nananatiling sarado sa trapiko kasunod ng paghagupit ng Super Bagyong Karding, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong Lunes.
Sa isang advisory, sinabi ng DPWH na 4 na kalsada sa Central Luzon, 2 sa Cagayan Valley, at tig-1 sa Cordillera Administrative Region at CALABARZON ang hindi pa maaaring daanan, para na rin sa kanilang kaligtasan, dahil ito sa na-damage na pavement, mga pagguho ng lupa o landslides, pagbaha at pagbagsak ng electrical post sanhi ng super bagyo.
Ang mga apektadong kalsada ay ang mga sumusunod:
* Kennon Road (sarado sa mga hindi residente ng lugar)
* Manila North Road sa Sitio Banquero, Barangay Pancian, Pagudpud, Ilocos Norte
* Bambang-Kasibu-Solano Road, Antutot Section sa Nueva Vizcaya
* NRJ - Villa Sur San Pedro- Cabuaan- Ysmael- Disimungal Road, San Pedro Overflow Bridge sa San Pedro, Madella, Quirino
* Nueva Ecija-Aurora Road sa Aurora province
* Daang Maharlika Road sa Barangay Castellano, San Leonardo, Nueva Ecija
* Tarlac-Sta. Rosa Road sa Barangay Malabon Kaingin, Jaen, Nueva Ecija
* Concepcion - Lapaz road sa Tarlac
* Ternate - Nasugbu Road sa Cavite
Ayon din sa DPWH, tatlong kalsada sa rehiyon ang limitado naman ang accessibility nito. Kabilang dito ang Apalit-Macabebe-Masantol Road sa Macabebe, Pampanga; Olangapo- Bugallon Road, sections sa Sindol, San Felipe at San Rafael, Cabanang, Zambales; at Rizal Boundary-Famy-Quezon Boundary Road sa Laguna.
Una nang nag-deploy ang DPWH ng quick response teams sa mga typhoon-stricken areas upang ma-monitor nila ang galaw at sitwasyon, at suportahan ang relief operations ng gobyerno sa pagsasagawa ng mga clearing operations.
Comments