ni Eli San Miguel - Trainee @News | December 14, 2023
Kinumpirma ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ngayong Huwebes ang presensya ng mga barkong Tsino sa Ayungin Shoal sa West Philippine Sea.
Ayon kay AFP Western Command commander Vice Admiral Alberto Carlos, may limang Chinese maritime militia vessels (CMMV) sa loob ng Ayungin, habang apat na iba ang nasa labas ng shoal.
Sinabi ni Carlos na nagsimula ang pagsulpot ng CMMVs sa shoal, kung saan nakalubog ang BRP Sierra Madre, ngayong taon.
Kasama sina Carlos at AFP chief General Romeo Brawner, Jr. sa misyon sa Ayungin Shoal noong Linggo. Sakay sila ng supply boat na Unaizah Mae 1.
Nasaksihan ng mga opisyal kung paano sinundan, binara ng water cannons, nagsagawa ng mga delikadong maniobra ang mga barko ng Chinese coast guard at maritime militia laban sa resupply team ng Pilipinas.
Binantayan nila ang 40 barkong Tsino sa paligid ng Ayungin Shoal sa kasagsagan ng misyon, ayon kay Carlos.
Hozzászólások