ulo at batok, na-ICU pa bago namatay sa Dengvaxia
ni Atty. Persida Rueda-Acosta - @Daing mula sa hukay | August 7, 2020
Naguguluhan diumano ang isang doktor kung bakit magkakasabay ang pananakit ng iba’t ibang parte ng katawan ng kanyang batang pasyente, samantalang wala namang nakitang problema sa diagnostic tests at CT scan results nito, bukod sa posibilidad na may bakterya sa kanyang utak. Sinabi ng ina ng huli na naturukan ito ng Dengvaxia. Ang tugon ng doktor ay wala diumanong koneksiyon dahil matagal na panahon na ang lumipas mula nang maturukan ang nasabing bakuna ang pasyente. Ang pangyayaring ito ay naranasan din ng marami sa aming kliyente sa tinaguriang Dengvaxia cases.
Bukod sa deklarasyon ng Sanofi na nakasulat sa ibaba, makatutulong din sa pagbibigay-linaw sa isyung ito ang sinabi ni Dr. Susan Mercado, isang medical and public health expert. Aniya: “Kung ang namatay ay walang kinalaman sa bakuna “directly” or “indirectly” ̶ bakit napakaraming mga batang edad 9-12 namamatay sa iba’t ibang lugar? Normal ba ‘yan? Wala po akong maalala sa kasaysayan ng bansa na ganito... Ano po ang explanasyon sa mga pagkamatay ng mga bata ̶ ng mga nagsasabi na wala itong kinalaman sa Dengvaxia?”
Ang naturang batang pasyente ay si Wiljen Alcontin, ang anak nina G. Wilson at Gng. Theresa Alcontin ng Cebu City ay 9-anyos nang namatay noong Enero 26, 2018. Siya ang ika-26 sa mga naturukan ng Dengvaxia, at nakaranas bago namatay ng sintomas na kasama sa common pattern of four serious adverse effects (anaphylactic allergic reaction, viscerotropism (pamamaga, paglaki at pagdurugo ng laman-loob), neurotropism (pamamaga at pagdurugo ng utak) and increase in severity of dengue disease) consistent sa Sanofi Declaration of Four (4) Identified and Expected risks in its Submission for Authorization sa Food and Drug Administration (FDA) {22 Disyembre 2015} — na sumailalim sa forensic examination ng PAO Forensic Team, pagkatapos hilingin ng kanilang mga pamilya. Si Wiljen, dating mag-aaral sa Cebu City, ay naturukan ng Dengvaxia sa isang health center sa nasabing lugar noong Agosto 12, 2017.
Noong Disyembre 27, 2017, nagsimulang makitaan ng mga sintomas si Wiljen. Siya ay nagkalagnat at naging matamlay, nagpabalik-balik ang lagnat niya, kaya siya ay ipinagamot sa isang ospital sa Cebu City noong Enero 4, 2018. Napag-alaman na mayroon siyang Urinary Tract Infection (UTI) kaya siya ay niresetahan ng gamot para rito at inuwi sa bahay. Nang pinainom siya ng gamot, bigla siyang nakaranas ng pananakit ng ulo kaya ibinalik siya sa ospital noong Enero 5, 2018 at binigyan siya ng mefenamic acid. Dahil walang naging magandang pagbabago sa kalagayan niya, isinailalaim agad siya sa CT scan, ngunit wala namang nakitang problema sa kanyang ulo. Dahil masakit pa rin ang ulo niya, ipina-aadmit siya, ngunit dahil walang bakanteng kuwarto, inilipat siya sa ibang ospital. Pagdating doon, nag-umpisang sumakit ang tiyan, ulo, batok at likod ni Wiljen. Sa ward ay binigyan siya ng Mannitol, pansamantalang bumuti ang kalagayan niya, ngunit bumalik ulit ang pananakit ng tiyan, batok at likod niya.
Bahagyang nawala ang pananakit ng ulo niya, subalit doon naganap ang pagtatapat ng doktor sa naisalaysay na sa itaas na reaksiyon niya sa magkakasabay na pananakit ng mga parte ng katawan ni Wiljen, at ang kanyang paniniwala sa kawalan diumano ng koneksiyon ng kaso ng kanyang naturang pasyente sa naiturok ditong Dengvaxia.
Naging kritikal ang mga petsang Enero 11, 12, at 26, 2018 sa buhay ni Wiljen. Narito ang mga detalye ng mga sandaling ‘yun na humantong sa kanyang kamatayan:
1. Enero 11, 2018 - Muling sumakit ang kanyang tiyan. Pinainom siya ng gamot para rito, ngunit walang naging magandang epekto. Pagsapit ng alas-10:00 ng gabi, hindi na bumabangon, sumasagot o kumikibo si Wiljen at nakatingin na lamang siya. Nang subukan siyang ibangon sa pagkakahiga, bigla siyang nag-seizure. Hindi na dumilat ang kanyang mga mata, subalit nakagagalaw pa siya.
2. Enero 12, 2018 - Muli siyang nagka-seizure, alas-4:00 ng madaling-araw at dahil doon, in-intubate siya. Hindi na siya kumikibo at hindi na magising. Habang tulog, panay ang kanyang paglalaway at paghihilik. Alas-8:00 ng umaga, sinabihan ng mga doktor ang mga magulang ni Wiljen na kailangan siyang dalhin sa ICU dahil kritikal na ang kondisyon niya. Dahil wala silang sapat na pera para mailipat ICU ng ospital na ‘yun si Wiljen, napilitan silang dalhin siya sa mas murang ospital kung saan bandang alas-2:00 ng hapon nang mailipat siya sa ICU roon.
Bago pa man nailipat ng ospital si Wiljen, comatose na siya. Gayunman, muli siyang isinailalim sa CT scan at x-ray bago inilipat ng ospital at base sa resulta ng CT scan, ang kanyang utak ay namamaga. Nanatili siya sa ICU nang 14 araw habang siya ay isinasailalim sa maraming tests. Hindi na rin tuluyang gumising si Wiljen.
3. Enero 26, 2018 - Alas-9:00 ng gabi, nag-umpisa nang humina at bumagal ang pagtibok ng puso niya. Sa mga salita ng kanyang mga magulang, narito ang kanyang mga huling sandali:
“Sinubukang ibalik ang normal na pagtibok ng kanyang puso matapos siyang injection-an ng dalawang beses ng mga doktor. Maya-maya ay nawawala ang pagtibok ng kanyang puso na nangangailangan ulit ng pag-revive ng mga doktor sa aming anak. Nagpatuloy ito ng halos dalawang oras hanggang sa sumapit ang alas-10:50 ng gabi nang tuluyan siyang pumanaw.
Ito ay matapos namin siyang sabihan na isuko na ang laban at magpahinga na siya dahil sa labis na hirap ng pinagdadaanan niya.”
Pagmamahal kay Wiljen na malusog at masiglang bata bago siya maturukan ng nasabing bakuna; habag sa sinapit nito at panghihinayang sa kanyang buhay na dapat ay lumago pa dahil sa kanyang hilig sa pag-aaral at mga pangarap sa buhay ̶ ang mga ito at ang maipaglaban ang pagkamatay ng kanilang anak ang nagdala kina G. at Gng. Alcontin sa PAO upang hilingin ang tulong ng aming tanggapan, ng inyong lingkod, at PAO Forensic Team. Muli, kami ay rumesponde at patuloy nilang magiging kaalakbay hanggang sa makamit ang katarungan para kay Wiljen.
Comments