top of page
Search
BULGAR

9 ang kalaban sa international… JERICHO, NOMINADONG BEST ACTOR SA LOS ANGELES

ni Ador V. Saluta - @Adore Me! | April 10, 2022




Sunud-sunod ang blessings para sa aktor na si Jericho Rosales dahil kamakailan lamang, napasakamay nito ang isa sa ipinagmamalaking projects ng ABS-CBN, ang Sellblock, kung saa'y makakasama niya ang ilang Hollywood actors.


Ngayon nama'y nakakuha siya ng nomination bilang Best Actor mula sa New Filmmakers Los Angeles (NFMLA) para sa kanyang pagganap sa short film na Basurero.


Ang nasabing short drama ay obra ni Eileen Cabiling at isa rin sa 10 nominees for the International Drama category.


Matatandaang ang Basurero ay nagkaroon ng world premiere sa 24th Busan International Film Festival sa South Korea nu'ng taong 2019.


Basurero was also screened in the online edition of the Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2020.


Nominated si Jericho para sa Performance Drama category and he's competing against 9 artists.

Nitong Friday (April 8), ibinahagi ni Jericho sa kanyang social media ang nakamit na nomination.


"This little jeepney made it to Hollywood! Cheers team!" aniya sa kanyang Instagram post.

Ang NFMLA ay isang non-profit organization that supports emerging filmmakers and artist through a monthly series of screenings and events in Los Angeles.


And the nominees for NFMLA's 10th annual awards were first reported by Hollywood trade publication, Variety.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page