top of page
Search
BULGAR

9,928 minors na may comorbidities nabakunahan na kontra-COVID-19 – DOH

ni Lolet Abania | October 25, 2021



Umabot na sa kabuuang 9,928 menor-de-edad na may comorbidities ang nabakunahan laban sa COVID-19 sa ngayon, ayon sa Department of Health (DOH).


“Ito naman po ay kino-consider na natin that it was successful, no? Naging maayos po ‘yung ating mga proseso,” ani DOH Undersecretary Maria Rosario sa isang media briefing ngayong Lunes.


Sinabi rin ni Vergeire na sakaling ang dalawang phase ng pediatric vaccination ay maging matagumpay, palalawigin na ito sa iba pang mga rehiyon.


“So ‘yan po ay pinagplaplanuhan, pinag-uusapan na at magbibigay tayo ng information in the coming days,” sabi ni Vergeire.


Samantala, ayon kay Vergeire, 10 kabataan ang nakaranas ng reactions sa COVID-19 vaccines. “Tatlong mga bata ay nagkaroon ng allergic reactions but all were managed.


"Tatlo po ay nagkaroon ng anxiety-related reactions, at ‘yung apat po mga minor lang po,” pahayag ni Vergeire.


“So far, wala pa po tayong serious at adverse reactions that were noted,” dagdag pa ng kalihim.


Tiniyak naman ni Vergeire na ang DOH ay patuloy na mino-monitor ang sitwasyon ng mga naturang menor-de-edad.


“Katulad ng sabi natin, hindi lang natapos ang monitoring namin pagkatapos lang ng bakunahan. We will monitor them for this whole month para makita natin if there will still be other reactions na mangyayari,” paliwanag ni Vergeire.


Una nang sinabi ng ahensiya na ang mga kabataang magpapabakuna ay kailangang makakuha ng clearance mula sa kanilang mga doktor at dapat na magbigay ng kanilang consent at pagsang-ayon.


Ayon sa DOH, ang mga kabataan na may comorbidities na eligible sa pagbabakuna kontra-COVID-19 ay iyong may medical conditions gaya ng medical complexity, genetic condition, neurologic conditions, metabolic o endocrine diseases, cardiovascular diseases, obesity, HIV Infection, tuberculosis, chronic respiratory disease, renal disorders, at hepatobiliary disease, at may mga immunocompromised dahil sa sakit o treatment.

0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page