ni Ronalyn Seminiano Reonico | March 26, 2021
Pumalo na sa 9,838 ang pinakamataas na naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa bansa sa loob lamang ng isang araw at sa kabuuang bilang ay umabot na ito sa 702,856 ngayong Biyernes.
Ayon sa Department of Health (DOH), 7 laboratoryo ang hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa takdang oras.
Samantala, umabot na sa 109,018 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa DOH. Tinatayang aabot naman sa 95.1% ang mild cases sa naturang bilang, 3% ang asymptomatic, 0.8% ang severe at 0.7% ang kritikal ang kondisyon.
Tumaas naman ng 663 ang bilang ng mga gumaling na at sa kabuuan ay 580,689 na. Nakapagtala rin ang DOH ng 54 na mga pumanaw at sa kabuuan ay 13,149 na ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19.
Comments