ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 19, 2021
Muling nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 9,628 karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa sa loob ng isang araw at sa kabuuang bilang ay umabot na ito sa 945,745 ngayong Lunes.
Ayon sa DOH, apat na laboratoryo ang hindi pa nakapagsumite ng datos sa takdang oras.
Ang bilang ng mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa ay 141,375 kung saan 96.9% ang mild, 1.5% ang asymptomatic, 0.5 ang kritikal, at 0.7% ang mayroong severe condition.
Umakyat naman sa 788,322 ang kabuuang bilang ng mga gumaling na matapos makapagtala ang DOH ng karagdagang 9,266 pasyente.
Samantala, umakyat naman sa 16,048 ang death toll sa bansa matapos magkaroon ng karagdagang 88 pasyenteng pumanaw.
Comments