ni Lolet Abania | February 20, 2021
Muling nakapagtala ng pinakamababang temperatura ang Baguio City ngayong Sabado nang umaga.
Ayon kay PAGASA-Baguio weather specialist Letty Dispo, alas-6:40 ng umaga ngayong Sabado ay naitala ang 9.5 degrees Celsius na temperatura sa nasabing lungsod.
Base pa sa radar station ng PAG-ASA-Baguio, ang temperatura naman sa La Trinidad, Benguet ay umabot sa 10.8 degrees Celsius habang sa Mount Santo Tomas, Tuba, Benguet ay mahigit sa 7 degrees Celsius.
Mas mababa naman ang temperatura sa ilang bayan sa Benguet, Mountain Province at Ifugao dahil sa pagkakaroon ng mas mataas na elevation ng mga lugar.
Matatandaang Enero 30 ngayong taon, nakapagtala na ang Baguio City ng 9.4 degrees Celsius na pinakamababang temperatura sa lungsod.
Ipinaliwanag din ni Dispo na dahil sa aktibo ang northeast monsoon o amihan kaya nagdudulot ng mababang temperatura sa buong siyudad. Aniya pa, inaasahang magtatagal ito hanggang sa unang linggo ng Marso.
Comments