ni Eli San Miguel - Trainee @News | February 1, 2024
![](https://static.wixstatic.com/media/b16d6f_879be866096b4196a1ec476160c07ca4~mv2.jpg/v1/fill/w_656,h_393,al_c,q_80,enc_avif,quality_auto/b16d6f_879be866096b4196a1ec476160c07ca4~mv2.jpg)
Nag-deploy ang Bureau of Immigration (BI) ng 87 na bagong opisyal sa kanilang mga opisina sa buong Pilipinas upang mapabuti ang pagprotekta sa mga border ng bansa.
“These new Immigration officers have been trained to serve following our core values of patriotism, integrity, and professionalism,” sabi ni Commissioner Norman Tansingco sa isang pahayag ngayong Huwebes.
Binanggit ni Tansingco na itinalaga agad ang 87 Immigration officers pagkatapos ng kanilang pagsasanay sa Border Control Officers Module (BCOM) sa akademya ng BI sa Clark, Pampanga. Ayon sa kanya, nagtapos sila noong Hunyo 30.
“We trust that the new officers remain faithful to their duties as defenders of our borders,” pagpapaalala ni Tansingco.
Nagbabala rin siya na hindi niya tatanggapin ang anumang ulat ng ‘di kanais-nais o ‘di-propesyonal na asal.
تعليقات