top of page
Search
BULGAR

836K nabakunahan kontra-COVID-19 sa ‘Bayanihan, Bakunahan’ 4 – DOH

ni Lolet Abania | March 12, 2022



Umabot sa kabuuang 836,162 indibidwal ang naturukan ng bakuna laban sa COVID-19 sa 4th round ng “Bayanihan, Bakunahan,” ayon sa Department of Health (DOH).


Sa isang public briefing ngayong Sabado, sinabi ni DOH Undersecretary Myrna Cabotaje, karamihan sa kanilang nabakunahan mula Marso 10 hanggang 11 ay mga 2nd doses at boosters shots.


“Nakapagbakuna tayo ng 836,000 cumulative doses or 44.49% ng ating target, at karamihan dito ay mga second dose at booster doses. Nakita natin mababa ang ating coverage ng seniors,” ani Cabotaje.


Sa ipinakitang datos ng opisyal, may kabuuang 202,915 na unang dose ang kanilang na-administered; 359,546 para sa ikalawang dose; at 273,701 sa booster shots.


Habang ayon sa kalihim, 23,868 senior citizens lamang ang nabakunahan sa ginawang vaccination drive.


“Nakita natin mababa ang ating coverage ng senior [citizens] although ang ating regional offices at mga LGU ay gumawa ng iba’t ibang strategy para ilapit ang bakuna sa ating mga mamamayan,” sabi ni Cabotaje.


“May nag-house-to-house, stall-to-stall sa mall, may bakunahan sa simbahan, malalayong mga lugar. So we need innovative and creative strategies sa level ng communities,” pahayag pa ng kalihim.


Sinabi rin ni Cabotaje na marami ang nakontento na nakatanggap lang ng second dose at sa tingin nila ay hindi na kailangan ng booster shots.


“The complacency is still there, other Filipinos think they no longer need the boosters doses as they already received their second doses and the COVID-19 cases were decreasing,” paliwanag ni Cabotaje.


“Pangalawa, pareho pa rin ‘yung pananaw ng ating senior citizens, mamamatay na sila, hindi na nila kailangan ng mga bakuna,” sabi pa niya.

0 comments

Kommentare


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page