top of page
Search
BULGAR

827 na edad 100 at higit pa, nakatanggap ng P100K cash incentive


ni Lolet Abania | June 30, 2021



Nasa 827 centenarians na ang nakatanggap ng kanilang P100,000 cash incentive na mandato ng gobyerno sa ilalim ng Republic Act No. 10868 o Centenarians Act of 2016.


Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), hanggang nitong May, 2021, umabot na sa P82.7 milyong cash gift ang naibigay nila sa 827 centenarians mula sa 1,319 target na benepisyaryo ngayong 2021.


Para maiwasan ang posibleng transmission ng virus sa mga benepisyaryo, minabuti ng DSWD na ibigay ang mga cash incentives sa pamamagitan ng pagbabahay-bahay sa kanila.


“Field Offices CALABARZON and X have already completed the distribution of the centenarian incentive for their target beneficiaries numbering to 135 and 25, respectively,” ani DSWD sa isang statement.


Sa ilalim ng centenarian law, ang mga Pilipinong nasa edad 100 at pataas, naninirahan man sa bansa o abroad, ay bibigyan ng isang Letter of Felicitation na mula sa Pangulo at nakasaad dito, “congratulate them for their longevity.”


Para sa aplikasyon ng benepisyo, ang mga kaanak ng centenarian ay kailangang magsumite ng pangunahing dokumento gaya ng birth certificate at Philippine passport sa city o municipal social welfare office at sa Office for Senior Citizens Affairs (OSCA) sa kanilang lokalidad.


Sakaling ang passport at birth certificate ay hindi available, maaari ring tanggapin ng mga awtoridad ang pangunahing identification cards tulad ng Government Service Insurance System (GSIS) at Social Security System (SSS); driver’s license; Professional Regulations Commission (PRC) license; at Commission on Elections (COMELEC).


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page