ni Lolet Abania | November 29, 2020
Umabot sa 804 evacuees sa Isabela at Cagayan ang inilikas mula sa kanilang tirahan ngayong Linggo dahil sa panganib ng muling pagbaha sanhi ng malakas na buhos ng ulan, ayon sa ulat ng Philippine National Police Region 2.
Sinabi ni PNP Region 2 Director Police Brig. Gen. Crizaldo Nieves, ang water level ng Cagayan River malapit sa Buntun Bridge ay umabot na sa 8.48 meters, kung saan ito ay nasa Alert Level.
“May mga evacuation ngayon. Ongoing, as of this 5 a.m., may pag-ulan pa rin,” ani Nieves.
“’Yung areas kasi doon, especially 'yung pangsukat natin doon sa level ng baha sa Buntun Bridge, as of 5 a.m., is 8.48 meters,” dagdag pa niya.
Ayon pa kay Nieves, tinatayang nasa 62 pamilya o 236 indibidwal ang inilikas sa Cagayan.
Sa Isabela naman, tinatayang nasa 138 pamilya o 422 evacuees ay nagmula sa Cabatauan, habang 65 pamilya o 158 indibidwal ang inilikas sa Alicia, ayon pa kay Nieves.
Commentaires